Tag Archives: sky adventure

Cebu…B?!

Standard

0224-272012


Its my first time in Cebu! If hindi pa ako na-invite ni D, di pa ata ako makakapunta. Isa pa, wala sa plano to. Naka-chat ko lang sya, tapos sabi nya kelan daw ako pupunta don. So ayun, book bigla. 


Dumating ako ng Cebu, friday night. Inabangan na lagn ako ni D sa labas ng hotel, kase may work pa sya. Hinatid lang nya ako sa room and iniwan ulet ako. 


Our room at Summit Circle

After nya sa work nya, nag-decide kame lumabas. Uminom muna. We went to Asle Restobar, had Vodka Cruiser, tinamaan ako. Bwiset. 


The next day naman, he asked me ano gusto ko gawin. Sabi ko basta gusto ko mag Sky Adventure, usapan namin, sa gabi na lang. Tsaka gusto ko pumunta sa Magellan’s Cross, sabi nya sa Sunday na lang. Ok! Late na rin kame kumilos. Pumunta kame ng The Terraces Ayala Cebu. Lunch kame at Sunburst Fried Chicken. Ayos lang naman, masarap din.



After eating, hinika naman tong kasama ko. Ang inet naman kase. Pero baduy lang, ayun uwi agad kame. Tinulugan lang ako. Nanood lang ako ng tv at nag online. Salamat sa free wifi!



Nagising sya, madilim na rin. Nag-ready kame, and pumunta na kame sa Crown Regency for our Sky Adventure. He asked me rin kung gusto ko uminom, nag-aaya daw ibang office mates nya. Sabi ko sige lang. Ang tagal din namin sa Crown Regency. Matao din eh.



Super bilis lang din nung Sky Walk. Scary din ah, kase ang taas, and mahangin. Pero keribels lang. Gusto ko nga sana matagal pa eh, kaso ikli lang talaga. 


Ayun, after ng Sky Adventure, we went to Yo.U One Mango Place, andon na yun friends nya. Ok naman sila, nakakatuwa silang kakwentuhan. Kaso nagdugo ata tenga ko. Hahaha pero seriously, I had fun! Mga 4am na rin yata kame bumalik ng hotel. 


Sunday, bumangon halos lunch time na. Nanood lang ako ng series. Tapos went to supermarket para bumili ng water. And ng lechon. Sa room na lang kame kumain. After eating, nag-ready na rin. Punta kame ng Magallanes to see Magellan’s Cross. 


Cebu Metropolitan Cathedral
Magellan’s Cross

Diretso naman kame Ayala para bumili sana ng Pastel. Pero wala. Balik hotel kame. Aba meron sa Robinson’s Supermarket, kaso kulang. Akyat na, iniwan yun mga pinamiling pasalubong. Lakad naman kame papuntang Casa Verde. 


Baked potato soup
Brian’s Ribs

Ang sarap ng food nila. Ang laki ng serving. Di kaya namin naubos food namin. After eating, went back sa hotel. Natulog si D, nanood ako. Boring vacay ever! Maya maya, nagising sya. Kumain. At may text pala sya, boss nya yata. Lumabas sya. Iniwan ako. Bumalik sya madaling araw na. Tulog na rin ako. 


Woke up ng 7am. 10am flight ko pabalik ng Manila. Nagmadali nako umalis. Left the hotel 7ish.

Advertisements