Tag Archives: familia

Weekend with cousins.

Standard

Went to Pangasinan. Medyo matagal na rin na inaantay ako ng pinsan ko, kaya tinuloy ko na kahit slight alanganin ako. Nahiya na rin kase ako. Also, gustong gusto ko na rin lumabas, bored na bored nako eh.

So I left Manila at 2:30am. Hahatid pa sana ako ni daddy sa Cubao, kaso sabi ko wag na, pagod na rin sya. Kaya nag-Grab na lang ako. Tulog ako halos sa buong byahe, and nagigising lang kapag stop over. At 5, nasa Pangasinan na eh. Tumagal na lang kase patigil tigil and traffic.

Nakarating ako ng Malindong ng 7ish. Nagulat sila kase di nila alam na maaga ako darating, di naman pala sinabi ni Ler. Hahaha

Left Malindong ng 11:20am, ang init. Hahaha Before 12, nasa resort na kame. Cant check in pa raw til 1:30pm. Kaya we ate na lang muna. Nasi Goreng is spicy, so I didnt like it hahaha, the Sisig Rice is masarap!! Server said good for 2 lang ang rice, siguro sa gutom. 2-3, ayan. Inihaw na liempo, sakto lang. Love the Balamban Crispy Pork, parang bagnet daw yon. I also ordered ripe mangos shake [P85.00], forgot to take a pic sa excited ko inumin.

img_71141.jpg
Sisig Rice [P 115.00]

IMG_7113[1]

Nasi Goreng [P 170.00]

IMG_7115[1]

Inihaw na Liempo [P 175.00]

 

IMG_7116[1]

Balamban Crispy Pork [P 260.00]

After eating, the lady from the front desk came na and pinag-fill up na ng form si Valerie and she gave us our room key na. So we went to our room and nagpa-presko saglit. Lamig eh.

IMG_6951[1]

IMG_3222[1]

 

After few mins, we went na sa pool area kung asan mga pinsan pa namin. Kids enjoying the pool na, some are cooking and kwentuhan.

Later on pa, nag-change na rin kame ng swimming attire and back to our cottage. Ordered 3 buckets of San Mig apple, went to the pool (mainit yun tubig). Kwentuhan more.

Stayed there til about 9. Nag uwian na yun iba at naiwan pa kame nila Ler, Jeff, Melissa, Veejay, JJ and me.

Ang Constancio tipid mag-reply. Hahaha and naka-text ko na yun papakilala ni Mommy, si John Hill. Also tuloy tuloy din ang text ni Randel.

Inom kame that evening til antukin.

Woke up at 7, in time for breakfast. We left the two J’s sa room coz 4 persons lang naka-register samin. Hahaha nag-take out na lang kame for them.

Nag-ready kame para sa picture. Haha di na ulet kame nag-swim. Check out early, and no hassle at all. I really like the staffs of this resort.

Problem lang, tumutulo yun tubig sa shower head. No fridge even if its Junior suite na. Oh and no sampayan. But good na may bidet, mabango din ang shower gel and shampoo nila. Malinis ang room and bathroom. And nasabi ko ba, ok mga staffs nila?! Malaki ang pool, just that nai-stuck yun iba sa bagal ng slide. Madulas ang tiles sa pool mismo, so ingat lang. They have 3 shower/bathrooms sa pool area, one grilling station, there’s a sound system na parang may party na buong araw. May free ka umbrealla and 2 beach beds pag may room ka.

We enjoyed our stay, and we’d love to go back pag mas kumpleto na kame magpi-pinsan.

Magnum Manila

Standard

Magnum Manila is a Pop Up Store in SM Aura Premier. Heard about this couple of months ago and never thought of coming here. Never a fan of Magnum.

Anyway, my sister is visiting from the States, and I think my brother is craving and asked us to meet in SM Aura. Hmm never ko rin inasam makapunta sa mall na ito. Then, he asked if we want to try Magnum Manila. Hmm sige na nga. Waited for my sister na galing ng Divi and told her our brother wants to meet. Kung feel ba nila. We decided to go, at pag uwi na lang kame mag-dinner, since hapon pa nasa Aura kapatid namin at 7pm na.

Drove to SM Aura, salamat sa Waze. In fairness, hindi katulad ng ibang SM Malls ang Aura, maganda sya.

We met our brother and sister-in-law at Magnum Manila. Waited to be seated for at least 5 mins (kanina pa sila nakapila don :D)

Iba pala ang pila ng mga mag-dine in and for take outs. And those Make-Your-Own are for take outs lang pala. But you can eat them there hahaha

We ordered Buttered Onion Rings (P180) para may panlaban sa tamis and also, I’m hungry na. And of course, ang mga matatamis na Magnum na. Death by Chocolate (P250) is my favorite, also Cookie Dough Skillet (P250) they’re really delicious and Fondue for Two (P350) na actually, sobra pa sya sa 2 persons. I ordered Chocolate Milk Shake (P160) too coz they dont have cold water (a big problem for me). Also ordered 1 Signature flavor from Make My Own Magnun for take out. In fairness, puro desserts pero busog kaming lahat. At, masuka suka sa sobrang tamis ng mga kinain namin. Went home with a happy tummy pa rin.

Will I go back, maybe. I want to try some of their desserts pa. And maybe, pag craving lang and/or kung may mag-aya.IMG_6645IMG_6653IMG_6666

IMG_6665

IMG_6659

IMG_6668

My first Yakimix experience.

Standard

Baduy lang diba. Hahaha

It’s Daddy’s birthday yesterday at naisip namin ng kapatid ko i-treat si Dad for a buffet. Maiba naman, di na kame sa Dad’s. Hahaha

Nakuha lang namin sa Ensogo yun voucher. Grab na agad dahil tagal ko na gusto ma-try kumain sa Yakimix.

Hmm ok naman ang food. At least naiba sa Dad’s. Kaso parang konti lang din pala ang choices nila. Kala ko kase masyado madami. Kung pilahan naman kase. Pero natuwa naman kame ng kapatid ko kase mukhang nabusog si Dad. Na-enjoy nya yun crab eh. Lol.

Daddy enjoying his first plate.

Daddy enjoying his first plate.

And eto naman kinain ko.

IMG_2891
So far, ok na sya for me. Pero parang panalo pa rin ang Dad’s. Abangan na lang pag na-try ko na ang Vikings. At sana, someday, Spiral naman. Hehehe

I give Yakimix a C. Ok ang ambiance, keri na sa service. Di ko lang in-expect yun food. I thought super ok talaga. I liked the tiramisu (na parang graham cake), potato chips, tempura, garlic tahong, fish fillet, quail egg with bacon. That’s it.

Baguio Trip (part 2) with the Vinluan’s

Standard

November 1-4, 2012

Went to Baguio for the second time this year. This time, with my family.
Si daddy bigla lang nagyaya eh. Syempre sama naman kaming kids. Tutal long weekend at walang lakad.

We left Manila ng 11ish pm. Nag Victory Liner kame and syempre libre pamasahe.
terminalDumating kame ng Baguio around 6am. Ang lamig. Ang sarap. Breakfast kame agad sa Jollibee, libre pa rin 😉

jollibee

After breakfast, pumunta na kame sa Green Valley. Kinda far ah. Ok naman yun place ni Atty. Inuturan, kumpleto gamit and so happy kase may fridge. Syempre nagbaon na rin ako ng water before kame sumakay ng cab. Buti na lang, kase malayo yun unit nya. Mali pa pinagbabaan ng cab samin, kaya ang layo rin ulet nilakad namin at paakyat pa. At may bitbit na gamit. Whew.

After namin mag-settle, nag-rest muna. Pumunta kame kila Tita Kareng nung lunch time to eat. And then nag spend na kame ng maghapon namin sa labas. Naglakad lakad kame sa Session Road, and naglibot sa SM. Pero si Derick, mabilis nagutom. Nag meryenda kame at David’s Tea House. I had Mami. Naglakad na naman kame sa Session.

Tried my fisheye lens

Tried my fisheye lens

604107_10151223695651624_318542946_nNag inquire kame sa La Brea Inn ng room. Kase nalalayuan talaga kame don sa tinutuluyan namin.

IMG_7280
Tapos maya maya pumunta na kame don sa Canto. Yun sa pinagmalalaki nilang masarap na baby back ribs. Well, di ko sya nagustuhan. Actually, masarap pa ginagawa namin dito sa bahay.

IMG_7288

Canto Menu

Canto Menu

Baby back ribs

Whole slab ribs P300. Can you believe this is a whole slab na? I thought half pa lang.

Mango Panacotta

Mango Pana Cotta P80. Sorry, pero my pana cotta is better than this.

Dad paid everything. Poor daddy. Sila Tita Kareng pa nag-aya at nagmayabang sa place. Kasama pa pati gf din ng anak nya. Pero ok lang, sanay na kame, every time we go there daddy ko gumagastos for everyone.

After dinner, nag ukay ukay kame. Masaya kame ni daddy sa comforters na nabili namin. Ang gaganda pa at ambabango. Na-miss ko mga pinapadala nila mommy dito. Umuwi na kame pagtapos mamili. Halos ayaw kame isakay ng cab kase ang layo namin. BTW, si daddy and madi nag-stay kila Tita Kareng. Kame lang nila Derick and Alei ang nasa Green Valley. Napapasubo kame sa taxi, mahal eh.

The next day, kumilos kame late na. We had lunch at Cafe by the Ruins na last August ko pa gusto i-try. Kinda pricey sila kaya kaskas card kame. Hahaha

I ordered Beef tenderloin Steaks and Fresh Mango Shake. Masarap yun Beef Tenderloin ah. Lambot nya and malasa. Lavet! Bro and SIL ordered Baguio Bagnet (P300) and Tita Susie’s Crispy Tapa (P280).

IMG_7298

Beef Tenderloin Steak P300

Beef Tenderloin Steak P300

After eating, dumaan lang kame ulet saglit sa SM. Then nag Camp John Hay na kame. Nagtingin tingin sa outlet and I got myself a bag at UCB. Kakainis kase may nakita nako nung una na purple. Kaso hinanap ko pa brother ko para ipatingin kung ok lang. Kaso pagbalik namin, nakuha na nung isang girl. Good thing I love brown din, kaya kinuha ko na. Kaskas card again. Yari ako kay daddy.

Si Derick parang hindi nabubusog. Nakakita ng pizza parlor, ginutom ulet. So nag-pizza pa kame at Carlo’s Pizza. Ordered Pizza and soft taco (P 95) for me and Alei. Busog kame.

carlospizza

Quattro Formaggi P450

Quattro Formaggi P450

So, after ng meryenda, naglakad na kame sa Starbucks. Nagpapalibre kame kay Derick ng Toffee Nut eh. Pero di ko rin tinuloy, I paid for my frap. Hayaan ko na si SIL na ilibre, mag asawa naman sila. Hehehe

Had my first Toffee Nut for the year. At ang dami tao sa Starbucks Camp John Hay. Liit pa man din ng place. We didnt stay long. Bumalik din kame sa Session kase magpapa-massage kame. Di ko na-enjoy massage ko this time, unlike nung last time kame ni Sally. But its ok, libre ulet ni Daddy eh. Kaso aawa na ako kay daddy, saket pa rin ng leeg nya. Di nawala sa massage.

My first Toffee Nut for this year

My first Toffee Nut for this year

After ng massage namin, went back to tita Kareng’s place para mag-dinner. Bumili lang sila ng inihaw na bangus sa may Session. Tapos may konting handa kase birthday pala ni Inday. Pagkatapos namin kumain, nagpahinga lang kame saglit at bumalik na ng Green Valley. Pagdating, nag-ayos na lang ng things and nanood pa ako ng series.

On Sunday, our last day woke up late (actually yun dalawa lang). Nag-prepare na kame and went back kila tita Kareng, ate lunch at lumabas ulet kamd nila Derick. Namili pasalubong and nag-coffee again. Yey! Tsaka ang inet eh. So lakad kame hanggang Starbucks in Session Road. Saglit lang kame. Bumalik din kame agad sa bahay tapos umambon pa. Di na kame nagtagal pa din kase 6pm naman byahe namin pabalik ng Manila.

starbucks
A magastos and puro kainang trip to Baguio with the Family to. Magastos kase bawat labas namin, sagot namin. Hahaha buti nakalibre kame sa tutuluyan and fare. Sana si daddy na-relax. Kaso I doubt dahil sa nakaka inis na madrasta ko.

Happy birthday, Daddy!

Standard

Daddy’s 65th birthday!

Greeted him this morning with a sweet happy birthday and may tsup pa sa cheek. He said “thank you” ng malambing.

Sa office, he asked me to call Lutong Macau at mag-order na raw ng food tapos he’ll pick ’em up na lang. While waiting naman, usap kame ni Derick pano na ang dinner namin. Sabi namin, treat na lang namin si Daddy sa Dad’s.

Umalis na si Daddy around 12 para kunin yun order namin. Tapos sabi namin bili kame ng cake, meron daw masarap dyan sa Makati. Kaya labas muna kame nila Derick, wow ang cakes sa Purple Oven. Yum naman, mas mahal lang sa Becky’s Kitchen. Pagbalik namin, wala pa sila Daddy. Pero after few mins, dumating din so we ate lunch. Busog naman! We had fried spareribs, beef with broccoli, sweet & sour fish fillet, yang chao, salted fish and seafood fried rice. Bumili rin kame ng lechon manok sa Sr. Pedro.

After lunch, back to work, at nanood ng impeachment, ayun convicted si CJ Corona. Funny si Sen. Miriam Santiago, kakaaliw sya talaga. Boring ang senado kapag wala sya. Nakakatuwa din si Sen. Lito Lapid. While watching, dumating si Leslie, may dalang cake. Aba from Purple Oven din. Hahaha buti magkaibang cake ang binili namin.

chocolate campfire

cake from Leslie

Ayun, habang naghihintay ng result kay CJ Corona, nag meryenda na kame. Yummy the cakes ah!!

Busog naman kame!

Dinner, plan namin diba ay mag Dad’s. Kaso pabagalan ng kilos. Di naman kame abot sa Dad’s. Nakaalis kame ng bahay 8ish na, ending Gerry’s Grill in Glorietta 5. Busog again!

Sabi ni daddy before umuwi, masaya naman daw sya on his birthday 🙂 thats good to know! Love you Dad!