Category Archives: Olongapo

2nd in 2018: Olongapo

Standard

Whew, patapos na summer pero ngayon pa lang ako nakapag out of town 😀

Months na napag-uusapan ng mga Angels mag-beach, and finally last April, nabuo na ang plano.

Went to Olongapo, stayed at Mangrove Resort Hotel. Nice naman sya, kinda pricey for the place, pero may K kung baket ganon ang presyo nila. Booked four rooms, 2 family rooms for 2 families (Lagula’s and Capacete’s) and kaming mga single. Hiwalay ng room sila Bong/Ezi, and Jhen and family.

Eh yung ang laki ng room namin, 2 king size beds, may veranda, flat screen tv, super liit fridge (na di makapagpalamig hahaha), toilet and bath, a/c, toiletries and snacks.

IMG_2014

View from our room

Kasama ko sa room sila Roch and Yoyce, yung 2 families ang nagsama rin sa room, we are located at the second floor, nasa 3rd sila, with pool access!!! Ang saya!

Anyway, I only had 1 hour sleep. Shocks. And ako lang driver, in fairness kinaya ko naman. Kitaan was McDo Centris, don na rin kame nag-breakfast. Then Lakeshore na next stop/kitaan.

dav

Breakfast

Anyway, after Lakeshore dire-diretso na kame, stopped one time lang to pee at SCTEX na. Eh nag-enjoy din ako pag-drive sa SCTEX, nag 120km/hour lang naman ako. Hahaha I told them bawal matulog kase kailangan ko ng kausap at bawal din ako antukin.

Arrived Subic around 11. Diretso kame ng Meat Plus Cafe. Ordered Burger Steak Combo (with soup and drink). Ang laki sa picture. Pagdating sa table nung order ko, sunog and its dry. Ampaet 😦

IMG_1869

Burger Steak (P280)

We also had dirty ice cream outside the restaurant.

After ice cream, went to Mangrove na. Nakapag early check in naman kame, and yun nga, mga natuwa sa rooms namin.

Later on, nagsipagbihis na kame at nagkita kita na lang sa pool. Ordered mango shake too, minsan parang kailangan talaga ang fruit shake eh. hahaha

After shower, nagkaron ng make up session sa singles room. 😉 And decided to just have dinner at the resort na lang, wag na lumabas then buy drinks at 7 Eleven.

Naghati kame tatlo nila Roch and Yoyce sa dinner, hmm tuyo ang grilled porkchop but wala ako reklamo coz I only ate yun taba and buto parts, then yun chicken adobo, puro patatas and lasang lasa ang laurel. No-no for me the dinner, but napasarap lang lalo kase Tin shared their pinakbet with us, then konting sabaw from Lagula’s. Solved nako.

After dinner, bought drinks na nga at 7 Eleven, bought Tanduay Ice, San Mig Light, Red Horse, and Soju ata yun binili nila Ezi. Takot na takot kame itago mga pinamili namin, tapos pagdating sa resort, wala yun bantay hahaha

Sa room namin kame nag-inom kase kame lang may veranda. Sila Mei, Tin and Jhen, mga mommy duties kaya di namin nakasama uminom.

Borlogs around 1am.

Woke up ng 7ish, nasa resto na raw sila Tin nag-breakfast, sabi ko sama nako sa pagbaba ni Roch kase gusto ko na mag-coffee. Pagbaba, ayun nag-order na kame food. Bumawi!!! Ang sarap ng breakfast. I ordered French toast with bacon and eggs. Tapos antay ako ng antay ng coffee, di ko pala na-order. Kainis.

IMG_E2016

French Toast (P185)

Bihis after breakfast, nag-pool ulet kame. Konting pictures, and nag-ready na for check out.

20180520_123852

Last group pic minus Ez and Bong

Advertisements