Category Archives: Zambales

2nd in 2018: Olongapo

Standard

Whew, patapos na summer pero ngayon pa lang ako nakapag out of town 😀

Months na napag-uusapan ng mga Angels mag-beach, and finally last April, nabuo na ang plano.

Went to Olongapo, stayed at Mangrove Resort Hotel. Nice naman sya, kinda pricey for the place, pero may K kung baket ganon ang presyo nila. Booked four rooms, 2 family rooms for 2 families (Lagula’s and Capacete’s) and kaming mga single. Hiwalay ng room sila Bong/Ezi, and Jhen and family.

Eh yung ang laki ng room namin, 2 king size beds, may veranda, flat screen tv, super liit fridge (na di makapagpalamig hahaha), toilet and bath, a/c, toiletries and snacks.

IMG_2014

View from our room

Kasama ko sa room sila Roch and Yoyce, yung 2 families ang nagsama rin sa room, we are located at the second floor, nasa 3rd sila, with pool access!!! Ang saya!

Anyway, I only had 1 hour sleep. Shocks. And ako lang driver, in fairness kinaya ko naman. Kitaan was McDo Centris, don na rin kame nag-breakfast. Then Lakeshore na next stop/kitaan.

dav

Breakfast

Anyway, after Lakeshore dire-diretso na kame, stopped one time lang to pee at SCTEX na. Eh nag-enjoy din ako pag-drive sa SCTEX, nag 120km/hour lang naman ako. Hahaha I told them bawal matulog kase kailangan ko ng kausap at bawal din ako antukin.

Arrived Subic around 11. Diretso kame ng Meat Plus Cafe. Ordered Burger Steak Combo (with soup and drink). Ang laki sa picture. Pagdating sa table nung order ko, sunog and its dry. Ampaet 😦

IMG_1869

Burger Steak (P280)

We also had dirty ice cream outside the restaurant.

After ice cream, went to Mangrove na. Nakapag early check in naman kame, and yun nga, mga natuwa sa rooms namin.

Later on, nagsipagbihis na kame at nagkita kita na lang sa pool. Ordered mango shake too, minsan parang kailangan talaga ang fruit shake eh. hahaha

After shower, nagkaron ng make up session sa singles room. 😉 And decided to just have dinner at the resort na lang, wag na lumabas then buy drinks at 7 Eleven.

Naghati kame tatlo nila Roch and Yoyce sa dinner, hmm tuyo ang grilled porkchop but wala ako reklamo coz I only ate yun taba and buto parts, then yun chicken adobo, puro patatas and lasang lasa ang laurel. No-no for me the dinner, but napasarap lang lalo kase Tin shared their pinakbet with us, then konting sabaw from Lagula’s. Solved nako.

After dinner, bought drinks na nga at 7 Eleven, bought Tanduay Ice, San Mig Light, Red Horse, and Soju ata yun binili nila Ezi. Takot na takot kame itago mga pinamili namin, tapos pagdating sa resort, wala yun bantay hahaha

Sa room namin kame nag-inom kase kame lang may veranda. Sila Mei, Tin and Jhen, mga mommy duties kaya di namin nakasama uminom.

Borlogs around 1am.

Woke up ng 7ish, nasa resto na raw sila Tin nag-breakfast, sabi ko sama nako sa pagbaba ni Roch kase gusto ko na mag-coffee. Pagbaba, ayun nag-order na kame food. Bumawi!!! Ang sarap ng breakfast. I ordered French toast with bacon and eggs. Tapos antay ako ng antay ng coffee, di ko pala na-order. Kainis.

IMG_E2016

French Toast (P185)

Bihis after breakfast, nag-pool ulet kame. Konting pictures, and nag-ready na for check out.

20180520_123852

Last group pic minus Ez and Bong

Advertisements

2015 Travels

Standard

 

 

IMG_2302

  1. Boracay – my forever favorite island in the world (as of now coz I’ve never been to any beach outside Philippines. Oh except in 2002, when I was in the US nag-beach kame in Venice, not pretty hahaha). This was biglaan, as two of my long time friends planned in going. Kinulit ako and 2 days before the trip, I bought a roundtrip ticket.
  2. Baserri de Lipa – obviously, it is located in Batangas. This was a Holy Week panata with my bff’s. But since Sally was here for a short vacay only and no definite plans, Otchie looked for a place where we can spend our Holy Week. At dahil Holy Week nga, puno ang lahat. End up mag overnight na lang at dito nga nakakita si Otch ng may available room.
  3. Nasugbu – another Batangas getaway. It was Jemjem’s birthday and we want to go to the beach lang. I told Alfie we can share na lang. Sya naman din talaga ang may gusto mag out of town. I am happy kase nag-enjoy naman si Jem, even si Brenda eh nakabakasyon.
  4. Laiya – guess what, Batangas again. Hahahaha it was our company outing, and ayaw masyado lumayo. We stayed at Kabayan Beach Resort, good thing they have available room. Yun lang, good for 20 people and 7 lang kame. I enjoyed naman kahit di ko ma-enjoy yun dagat. Ang dami pang tao.
  5. Calaguas – actually, mas favorite ko na sya kesa sa Boracay. But I just cant stop coming to Boracay. I was with the Avon peeps, we booked a tour with Yapak ni Jose! Ang saya kase solo namin ang van, and comfortable. Di ako nabitin sa water and ice.
  6. Dasol – Pangasinan. My second time here. Independence day holiday and nangangati nako maglakwatsa. Good thing, may gala sila Joyce and sinama ako. I had fun, and super tawanan yung trip.
  7. Magalawa Island – Zambales. I’ve heard about this couple of months before kame nakapunta rin. Buti sumama ako, ganda sya. And memorable yun trip because of my ATM moment.
  8. Cebu – my second time in Cebu. Biglaan. At least this time, nakapasyal ako. We went to two  of 90+ falls in Cebu. When I heard we’re going to the falls instead of the beach, na-sad ako sa totoo lang. But, di ko pa rin pinagsisihan kase I had fun! The trecking and sitting on that cliff just for a photo, was just liberating. I was too scared kase ayoko sa mga edges, pero ang saya!

Ang konti ng 2015 ko, but better than none. I wish for more travels in 2016.

And my wishlist are:
Siquijor
Camiguin
Enchanted River in Surigao
Coron
Bohol
Bantayan Island, Cebu
More of El Nido

Australia
Phuket
Japan
Amsterdam
Paris

 

[7th in 2015] Magalawa Island

Standard

This is my second out of town trip with the Layas peeps and long weekend ulet.

Been hearing about this island for couple of months now. And so, napuntahan din sa wakas.

Budget was at least 2k dapat. For bus (Manila-Zambales-Manila), boat transfer, room, island hopping and food. I brought 3k para sure. Coz uhawin ako and of course para sa mga ang etcetera lang.

We were at Victory Liner Pasay around 3ish. Bus left 4am. Slept the whole time pero mababaw sobra coz nakakatakot yun driver. And syempre sa stop over. We had 3 stop overs (in Pampanga and Zambales). Nakarating kame ng siguro 10:30 at Barangay Pangolingan, Palauig in Zambales. Took a trike (2 persons per tricycle) to Luan Port which took 30 mins din. first 15mins rough, then about 5 na flat, then rough again.

Magalawa Island from Luan Port.

Magalawa Island from Luan Port.

A boat fetched us from Luan, 2 balikan din coz 12 kame (10 kame sa group and may 2 pa kame kasabay). Mga 5-7 minutes na tawid din.

Then, nag-settle kame sa mga kubo namin. And humanap kakainan. At since nabasa ko sa ibang blogs na may kainan, hinanap namin ang tindahan. Found Ate Leny’s store. Hindi na pala sila nagpapaluto. Nagtitinda na lang sila ng ulam. Pero pumayag naman sila magpaluto kame ng rice. Binili na lang namin yun ulam nila. Don na rin kame bumili ng iinumin namin for the night, water, juice, soda, etc.

At Ate Leny's Store (photo credit: Joyce)

At Ate Leny’s Store (photo credit: Joyce)

While waiting for our food (Photo Credit: Joyce)

While waiting for our food (Photo Credit: Joyce)

After eating lunch, nag-ready na kame for our photoshoot. Hahaha paid 50 each at Armada Resort para makapag pic kame sa sandbar. Its a good thing pumayag sila. Kase I read sa ibang blogs, di sila pumapayag magpapasok don pag guest ng kabilang resort.

IMG_0570

IMG_0415
Stayed there for a while. And pagbalik ng Ruiz, rest lang for a while and went to Armada for dinner. No pic ng food but it was delish. We had frie lapu-lapu and pampano, fresh crab, sinigang na hipon, unli rice, fudgee bar and coke. Busog!

Photo credit: Joanne

Photo credit: Joanne

Went back to Ruiz, kwentuhan. At sinimulan ang nomo. No pictures, but full of laughter. At 12mn, we called it a night.

Woke up at 6ish. Went to Ate Leny’s store for coffee and paluto of our breakfast. May dala akong vienna sausage, spam and corned beef. So nagpaluto na lang kame ng rice and scrambled eggs. Busog again. And nag-ready na for Masinloc.

It’s high tide pa kaya we didnt really enjoy the sand bar at Masinloc. Sayang.

Bacala Guesthouse at Masinloc

Bacala Guesthouse at Masinloc

Groupie

Groupie

Sad to go.

Sad to go.

Expenses:
Bus (Victory Liner Pasay) Manila – Sta. Cruz, Zambales : P471
Candy (Double Happiness Stop over) : P30
Rest room: P5
Trike: Bgy. Pangolinan to Luan – P100/head
Boat to Magalawa (Roundtrip) – P100
Entrance fee – P100
Entrance at Armada Resort (for photoshoot at the sandbar) – P50/head
Bahay kubo at Ruiz Resort (4-5 persons) – P 3k/300 per head
Dinner at Armada Resort (sinigang na hipon, fresh crabs, fried lapu lapu and pampano. plus coke and fudgee bar at unlimited rice) – P200/head
Boat to Masinloc – P2000/200 per head
Lunch at Armada Resort (calamari, pork adobo, veggies, fudgee bar, coke and again, unlimited rice) – P200/head
Lunch/drinks/brekky: P169
Trike – P100
Bus (Victory Liner Iba to Manila – P347
Sept. 26-27, 2015