Category Archives: Dasol

2015 Travels

Standard

 

 

IMG_2302

  1. Boracay – my forever favorite island in the world (as of now coz I’ve never been to any beach outside Philippines. Oh except in 2002, when I was in the US nag-beach kame in Venice, not pretty hahaha). This was biglaan, as two of my long time friends planned in going. Kinulit ako and 2 days before the trip, I bought a roundtrip ticket.
  2. Baserri de Lipa – obviously, it is located in Batangas. This was a Holy Week panata with my bff’s. But since Sally was here for a short vacay only and no definite plans, Otchie looked for a place where we can spend our Holy Week. At dahil Holy Week nga, puno ang lahat. End up mag overnight na lang at dito nga nakakita si Otch ng may available room.
  3. Nasugbu – another Batangas getaway. It was Jemjem’s birthday and we want to go to the beach lang. I told Alfie we can share na lang. Sya naman din talaga ang may gusto mag out of town. I am happy kase nag-enjoy naman si Jem, even si Brenda eh nakabakasyon.
  4. Laiya – guess what, Batangas again. Hahahaha it was our company outing, and ayaw masyado lumayo. We stayed at Kabayan Beach Resort, good thing they have available room. Yun lang, good for 20 people and 7 lang kame. I enjoyed naman kahit di ko ma-enjoy yun dagat. Ang dami pang tao.
  5. Calaguas – actually, mas favorite ko na sya kesa sa Boracay. But I just cant stop coming to Boracay. I was with the Avon peeps, we booked a tour with Yapak ni Jose! Ang saya kase solo namin ang van, and comfortable. Di ako nabitin sa water and ice.
  6. Dasol – Pangasinan. My second time here. Independence day holiday and nangangati nako maglakwatsa. Good thing, may gala sila Joyce and sinama ako. I had fun, and super tawanan yung trip.
  7. Magalawa Island – Zambales. I’ve heard about this couple of months before kame nakapunta rin. Buti sumama ako, ganda sya. And memorable yun trip because of my ATM moment.
  8. Cebu – my second time in Cebu. Biglaan. At least this time, nakapasyal ako. We went to two  of 90+ falls in Cebu. When I heard we’re going to the falls instead of the beach, na-sad ako sa totoo lang. But, di ko pa rin pinagsisihan kase I had fun! The trecking and sitting on that cliff just for a photo, was just liberating. I was too scared kase ayoko sa mga edges, pero ang saya!

Ang konti ng 2015 ko, but better than none. I wish for more travels in 2016.

And my wishlist are:
Siquijor
Camiguin
Enchanted River in Surigao
Coron
Bohol
Bantayan Island, Cebu
More of El Nido

Australia
Phuket
Japan
Amsterdam
Paris

 

Advertisements

Back in Dasol

Standard

June 12-13, 2015

Went back to Dasol Pangasinan for the long weekend. But di naman sinagad yun 3 days. Almost, but didnt. Hahaha

This time I went with Joyce and her IG friends. We first met at Starbucks Reserve thursday night. Waited for Alex, Joanne and Will. Rode an Uber car to Victory Liner in Cubao. Since long weekend, kinda mahirap sumakay. We got there around 1. Nakasakay kame ng bus 4am na (aircon bus Cubao to Alaminos P393). Bus left 4:30 am. Natulog kame. At 9am, bumaba na kame ng Terminal in Alaminos. Rode another bus (ordinary) going to Sta. Cruz. Bumaba kame at Burgos market (alala ko yon kase nagpunta rin kame don last year nila Sally para magtanong and stop over lang). Pahinga slight, some bought burgers, some halo halo. Waited for our sundo and ate lunch sa market. After eating, namalengke yun iba and kame naghintay lang.

And then rode a trike going to Tambobong, its a 40mins long ride. Ok naman kase di na sya kasing bumpy like last year. Fare is P350/trike. Since 10 kame, we rented 3 trikes.

Pagdating Tambobong, sinalubong kame ni Ate Venus (09292326947), she’s really accommodating and nice even her husband kuya Rommel (I think yan name nya). The house is nice, simentado sya. May fridge, 3 bedrooms (but only 2 rooms ang pinapa-ren coz sa mga anak na nila yun isang room), 2 bathrooms (1 sa masters  bed and 1 outside ng rooms), kitchen, sala. Kumpleto actually. Sayang di ko ito alam nung nag-outing kame sa office.

In front of Ate Venus' house

In front of Ate Venus’ house

They arranged bangka na rin for us. 2 bangka daw coz di kame kasya sa isa. P200/head.

We first went to Cullebra Island. Umambon pa while nasa bangka kame. So medyo makulimlim pagdating sa island. But later on umaraw na. Syempre picture. Medyo nagkalayo layo kame para makakuha pa ng mas ok na view ng island. Di naman kame pwede mag-stay ng matagal kase pupunta pa kame sa Cabacungan Cove.

Cullebra Island

Cullebra Island

We left the island medyo malungkot coz we wanted to stay. But ok lang.

Next stop, Cabacungan Cove. Mas malayo pinagbabaan samin ngayon kesa nung kame last year nila Sally. Bago pa marating ang cave, nakaraming picture na kame. 😉

Cabacungan Cove

Cabacungan Cove

Di ko na pinasok yun cave, so I stayed na lang sa labas and naghintay sa kanila.

Pagbalik sa Tambobong, pahinga slight at kwentuhan. Tagal magkakuryente, kaya sa beach muna kame.

Group pic at Tambobong. (pic from Will)

Group pic at Tambobong. (pic from Will)

We stayed at the beach til sunset. And nag-wash up na kame. Then dinner, sarap ng luto ni Ate Venus ng adobo!! After dinner, hinanda na ang inumin at kwentuhan, takutan at tawanan. Lahat kame natulog sa sala.

Pag-gising, hilamos, kape. Naghintay ng almusal. Hahaha kumain, naligo at nag-impake. Gusto pa sana namin mag-stay kaso wala na kame tutuluyan. Dahil may naka sked na kay Ate Venus. Ending, na-suggest ko bahay namin sa Malindong. Kaya nagpakuha na kame ng trike, nag-bus kame from Dasol to Alaminos. Bus again from Alaminos hanggang sa bahay namin. Nagpaluto ako lunch. Busog naman lahat. After eating, nagpahinga at naghintay ng oras. Tapos pumunta na kame sa Lingayen. Pictorial sa Capitol. Hihi

Photo credit: Joyce Cairo

Photo credit: Joyce Cairo

Namili sila pasalubong sa palengke. Then we had dinner at McDonald’s. Bumalik kame sa bahay and nag-impake. Nahabol pa namin ang 10pm na byahe from Dagupan to Manila. Dumating kame ng Manila ng 3am. Nag-aya pa sila Joyce, Joanne and Alex mag-stay muna sa Bo’s in Glorietta kase maghintay na sila ng liwanag para umuwi. Kaya kwentuhan pa rin kame hanggang lumiwanag na.

Fun trip! Enjoy ako sa mga new found friends!!!

Road trip to Dasol with my girlfriends

Standard

Holy Week 2014, plan namin lang puntahan ay Tondol Beach in Anda. But 2 days before the Holy Week, nagbago kame ng plan. Instead of Tondol, we went to Dasol. Read on other blogs kase that low tide in Tondol, parang most of the time lalo na summer. Parang di naman kame mag-enjoy non kung di rin kame makakapaglublob sa water.

So, a day before the Holy Week, naghanap na kame ng mga matutuluyan. And ang mga sumagot kay Otchie ay mga puno na. Kaya we decided to leave early ng Holy Thursday para makahanap pa kame ng accommodation.

And so we left 3am. I drove from Manila to Mangatarem in Pangasinan. It was traffic sa NLEX, kala namin dahil na sa Holy Week kaya traffic. May accident pala. Isang oras din yon kaya I let them sleep muna. Makikipagpalitan kase dapat ako pag di ko na kaya.

In fairness kinaya ko nga. I asked Sally to drive na nung nasa Mangatarem kase nag-start nako masilaw, at teary eyed nako.

Stop over, inabot ata kame more than 10. Hahaha mga yosi break, wiwi break, at pagtatanong. We also dropped by sa bahay in Malindong, kase I told them meron masarap kainan sa may Binmaley. Nagpaturo lang kame ng way papuntang Lomboy. Nag-enjoy sila sa pabaon ni lola na mangga at bagoong.

We had lunch at Rudy-Jing Eatery, napakasaya lang. Sa pagkagutom at excitement kumain, di na nakunan ang food. But we ordered inihaw na hito, tortang talong, adobong talaba, ginisang sayote, 3 rice and 3 fresh buko, naka 500 pesos lang kame.

Rudy-Jing Eatery

Rudy-Jing Eatery

After eating, we left na rin at diretso nang Dasol. Took us 2 hours pa rin, kase niligaw na naman kame ng Google Maps. Nung Makarating kame ng Dasol, boy we were happy.

Yey

Yey

Hanap na ng tutuluyan at ang pumatok ay ang La Playa Beltran. Karamihan ng mga nadaanan namin ay puno, syempre Holy Week eh. Nung una, sabi samin puno na, we asked baka kahit maliit na room meron sila, since 3 lang kame. In-offer samin ay attic. Aba, patok na patok.

IMG_3047

Our room for 2 nights

IMG_3049

IMG_3050

Store/Tambayan/Reception

IMG_3051

We checked the beach right away. Hmm low tide.

IMG_2814

Inihaw na bangus, fried tilapia and tanigue steak, ginataang gulay = YUMMY

Inihaw na bangus, fried tilapia and tanigue steak, ginataang gulay = YUMMY

Sobrang busog sa dinner. So, nagsimula na kame magkwentuhan at uminom. Syempre our fave Absolut. Around 11pm, we called it a night. Shower, and went to bed.

Woke up early the next day para sa aming island hopping. Nag-shower, at breakfast. Naku, napa rough road na naman kame, pero syempre wala pa ring sinabi ang dinaanan namin sa Baler.

Inis lang talaga si Google maps sa pinapadaanan nya samin. But, nakarating naman kame. We reached Tambobong White Beach after an hour or more ata. Almost lunch time na rin when we got there. Nag halo halo muna kame while waiting sa pinaluto naming lunch. Napag usapang sa island na lang kakain para masulit pa namin ang araw. Nagpaluto kame ng daing na bangus, with fresh tomatoes, bagoong and yun mangoes na galing pa sa bahay.

Dasol Route was kinda bumpy. So, kawawa naman si Grey. Better bring SUV na lang. Not bad naman, pero para lang wag kabahan like me. Pero pauwi, we accidentally took the Burgos Route, longer but much better. Mas ok yun road.

Nakakatuwa lang, kase sa Dasol Route, ang daming cows, horses, goats sa daan.

IMG_2823 IMG_2825 IMG_2828 IMG_2835Sobra happy kame pagdating namin ng Tambobong. We had halo halo habang hinihintay ang paluto naming pagkain na babaunin sa Island hopping.

Just beside the road ay ang beach na. Aliw much

Just beside the road ay ang beach na. Aliw much

Tambobong White Beach Resort

Tambobong White Beach Resort

Off to Cullebra Island (also known as Snake Island)

Off to Cullebra Island (also known as Snake Island)

Culebra Island (also known as Snake Island), Dasol, Pangasinan

Culebra Island (also known as Snake Island), Dasol, Pangasinan

Cabacungan Cove, Dasol, Pangasinan

Cabacungan Cove, Dasol, Pangasinan

Cabacungan Cave

Cabacungan Cave

Maganda sa Culebra Island, kaso bago kame dumaong parang lahat ng tao samin nakatingin, eh bawal ba mag swimsuit? Sabi namin kay kuya ibaba kame sa wala masyadong tao. Kaya inikot pa nya at sa likod kame nagpunta. Dito na kame nag-lunch, nagbilad sa araw at uminom na rin.

Sumunod ang Cabacungan Cave, natakot naman ako sa loob. Parang ang lalim at medyo malakas ang alon. Pero masaya pa rin.

Dinaanan din namin ang Balinmanok Shipwreck, sayang mataas ang tubig, hindi pwede bumaba. Kaso si kuya sabi namin tumigil kase kukunan namin, dedma.

Balinmanok Shipwreck

Balinmanok Shipwreck

Nakabalik kame ng Dasol medyo madilim na. Medyo iba dinaanan namin, mas mahaba pero mas maayos na road.

Pagbalik sa resort, di muna kame nagbanlaw. Nagkwentuhan lang kame, inubos yun vodka, nagtawanan… ng malakas. Napagtulungan ako nung dalawa. Hahaha hanggang sa napagod na rin, nag-shower na at nag-ready para matulog.

Nag-breakfast kame mga 8am. Naligo, nagligpit. Umalis kame lunch time na rin. Namalengke rin sila ng mga pasalubong.

I had a short but awesome holy week get-away with my Best Friends!