Category Archives: Bolinao

Sally’s birthday in Bolinao!

Standard

Akala ko hindi na ako makakapag-Bolinao this year. Pero si Sally, don nya naisipan i-celebrate ang birthday nya. Gusto nya mag-celebrate with her family, and sinama ako. Najera na din ako eh!! Hihihihi sinabihan na nya ako isasama nya ako April pa lang. Pero mga ilang days na lang before her birthday, tsaka sya nag-decide sa Bolinao gawin.

Sa kanila ako natulog sabado pa lang ng gabi. Di ako nagpaalam kay Daddy kase mayayari na ako. Dahil last weekend lang, nag-Caramoan ako. Tapos this coming weekend, may Calaguas ulet ako. Kaya di ko na lang pinaalam. Pero nagpasabi ako kila Brenda na sabihin kay Daddy.

Aga ako inantok, milagro, naunahan ko pang matulog si Sally eh. Pag gising ko, nakipag kwentuhan muna ako kay Mader. And tinulungan ko sya ayusin yun food. Mag iihaw na raw sya, ako naglagay ng palaman sa sandwiches. Hahaha kala mo ang laking tulong.

Pag gising nila, syempre ready na rin lahat. Nakaalis kame 8 na rin yata. Nag lunch kame sa Isdaan Floating Restaurant. Nakaalis kame don mga 2 na rin yata. Nakarating kame ng Bolinao almost 5 na rin. Una naming sinilip yun Puerto Del Sol, nag-inquire kame and tinignan nila Sally yun room. Then, punta naman kaming dalawa sa Punta Riviera para mag-check. Kaso mas gusto ni Sally ang Puerto, mas sosi and may 50% off sila this summer. So go sa Puerto Del Sol, ma-experience man lang din.

Nag-check in kame, and hinatid na sa rooms namin. Not bad eh!

After mag-settle, nag change na kame ng swimsuit. Swimming na! Ang konti ng tao sa pool. We stayed there til 10 ata. Sayang si Gab, kase takot sa water. Tagal kase hindi nakapag-swimming nung bata.

Natulog na rin kame after mag shower. Gusto namin gumising ng maaga the next day eh. Pero before matulog, nanood pa kame ni Sally ng series.

Woke up the next day, siguro 6am na rin. Bihis, took pictures then ate breakfast. Sarap ng food din nila ah! After breakfast, went back sa pool. Swim na kame and nag jacuzzi. Later on, umalis sila mader, sinundo si Glen. Kame ni Sally, naglakad lakad, tambay saglit sa beach. At iinom sana sa resto. Kaso, maaga pa. Nag lunch na lang kame. Hahaha

Balik kame sa pool after eating. Umulan na eh, nakakainis. Gusto sana namin magpaaraw ni Sally. Aba, solo namin ang pool. Nag alisan na pala mga guests sa resort. Kame na lang yata natira. Hahahaha

Ganda ng sikat ng araw before kame matapos kumain

At eto sya after namin kumain

We had margarita while swimming. Bengga! Ang saya ng walang kahati sa pool. Kaya lang bandang 4:30 may mga nagdatingan na rin sa resort. Pati sa pool.

Mga bandang 8pm, nag-dinner na kame. 8 namin pina-serve yun food namin sa resto eh. Sarap naman ng dinner. Masarap ang food nung resort! Two thumbs up! Tapos kinantahan nila si Sal ng Happy Birthday at may birthday leche flan sya na may candle pa!

Di na rin kame nakapag inuman. Inantok na sila after dinner. Ang aga nagsipag tulog. Hahahaha

The next morning, last day namin. Nag-plan pumunta sa Patar, kase di pa nakakapunta si Sally don. Tsaka don may waves. Sa Puerto kase, super baba ng tubig, tapos as in tulog na tubig sya. Walang kaalon alon. Kaya lang since marami na rin kame, at si Glen di na raw sasama. Mas mag-eenjoy kase si Gab sa pool. And since nakapunta na rin ako don, sabi ko sila na lang. Ewan ko ba, baket di na nga ako sumama. Ahhh feeling ko kase kulang yun oras. Naisip na mag prep na lang ako ng maaga. Kaya lang di rin sila nag-stay ng matagal sa Patar. Sobra lakas daw ng alon, kaya bumalik din sila agad sa resort. Nag-breakfast kame sabay sabay. Sarap pa rin talaga ng food nila. Nag tocilog nako nung last day, pwede na mag-rice. Hahaha

We left arount lunch time na rin.

Kumain kame sa Alaminos na. Nag-McDo kame. Don na rin humiwalay si Glen samin, balik Baguio na sya. I had fun. Salamat Sally for tagging me along with your family. And Happy Birthday!!! ♥

Advertisements