Category Archives: Hospital

Project: Alis Myoma

Standard

Hahahaha natawa lang ako sa title ko.

Last January, I found out na meron akong myoma.

Side kwento: October of last year, I felt something sa puson ko. Merong matigas and masaket. I thought baka dahil kay Aunt Irma. November, naramdaman ko na naman sya, and nataon Aunt Irma again. Pero medyo bothered nako. December, magpapa-check up dapat ako but naging busy coz Christmas season and then parating na naman si Aunt Irma.)
So January, finally nakapagpa-check up ako. OB said, kailangan ko ma-ultrasound. Result says, Myoma. She told me na it is big, if I remember it right parang 18cm sinabi nya. Pero nakita ko naman sa result 12 something cm lang. She said, there are 4 masses. The other one is behind ng ovary ko and di na nya masyado pang makita. And maliit na yun iba.

She told me kailangan operahan, but she’ll remove my uterus. Natulala ako, di nako magkaka-baby? Ever? She said na nasa uterus ko yun mass. I asked kung meron bang ibang way para maalis. Injection daw or pills. But it will take months or years. Sa laki raw ng myoma ko, matagal daw aabutin.  Injection naman daw, at least 6 months and 8k something na ang cheapest.

Pinag isipan ko muna maigi. Then, nagpa second opinion ako in Makati Med. I brought my ultrasound and showed it to the doctor. She told me na yeah kailangan ako operahan. But no need to worry coz she will try di magalaw ang uterus ko. She said nasa labas naman daw ito. Yun isang maliit, na nakadikit sa ovary ko di na raw nya gagalawin. Kase possible daw mag continues bleeding ako, wala sya magagawa kungdi alisin ito. Kaya iwan na lang daw since maliit pa lang naman sya.

April, I told her na sige itutuloy ko na operation. No choice ako but to undergo abdominal myomectomy. Hindi raw pwedeng laparoscopic or hysteroscopic coz it’s big na. I asked if possible bang bikini cut, no daw because nasa ibabaw ng matris ko and malayo para kunin. Hahaha ok, worth a try.

Syempre mga unang naisip ko was, magkakaron ako ng malaking scar, pano na ang pag-two piece? As if diba. But mas gustuhin ko nang may scar ako kesa naman every 30 minutes naiihi ako, kesa sobrang laki ng puson ko, or di ako makahiga ng naka-dapa, or lagi ko iingatan puson ko kase ang saket pag natatamaan ng kahit ano.

Told my OB I will have my operation on June kase marami pang lakad dahil summer. Hahaha but sa dami pa ng mga tests for clearance, and Aunt Irma, inabot pa ako ng 3rd week of June.

On June 23rd, nagpa-admit na ako para sa preparations pa. I booked for small private room lang, but they upgrade my room to large private.  But fees are same lang sa small private.

IMG_3673[1]

Just less than 2 mins before I head to the operating room. With my bantays. 😀

Operation schedule was 7am of June 24. 6am pa lang, sinundo nako sa room ko para i-prepare ako. Gosh sobrang lamig pala sa operating room.

Anesthesiologist introduced herself. Sya na rin naglagay ng IV ko coz yun nilagay saken ng nurses eh naputukan ako ng ugat. Hahaha first time ko makitang sumirit dugo ko 😀

After ko lagyan ng oxygen, wala nako natandaan. Naramdaman ko lang was groggy nako. Next thing I know, dumilat ako sa recovery room na. Around 11am. Hinatid ako sa room ko ng 12nn. Uhaw na uhaw ako and 4pm pa raw ako pwede uminom ng water. Since nagising ako sa recovery room, di nako nakatulog ulet.

Nakakatawa pa kase pagpasok sa room ko, nakita ko sila Ate Weng and Dada having lunch, from Pancake House. Nag-react pa ako and niloko ko sila. Nagmamadali nga raw sila kumain para di ko sila abutan. Hehehehe

I immediately texted mommy, ate and Sally. And called daddy agad. Been staring sa clock and hinihintay ang 4pm dahil sobrang uhaw na ako.

Processed with VSCO with f2 preset

4pm na, pwede na mag-water!

At exactly 4pm, uminom agad ako, pero not too much. Nagdahan dahan lang ako sa pag-sip ng water. Syempre happy na ako. Though warm water lang muna ininom ko.

Umuwi na rin si ate Weng ng 7ish.

Dumalaw sila Daddy and madi after work. Nood lang kame ng tv. Dumating din sila Derick and Alei.

Saturday, maaga aga rin nagising. Inalis na rin catheter ko ng 10am. Na-miss ko naka-catheter coz never ako nakaramdam ng nawi-wiwi ako. Hahaha

Processed with VSCO with f2 preset

Mahal ko to! Napakalaking tulong para di ko maramdaman saket. Sana pwede rin sa feelings. 😀

After lunch, dumalaw si tita Ning. Nagulat naman ako. hahaha sinabi pala ni Mommy.

Then sila Yoyce and Sarah.

Processed with VSCO with f2 preset

May mga anghel na bumisita.

Mark and Tasha came din. Sayang wala kami picture. Pero totoo lang ah, RX peeps, nagkikita lang pag may na-ospital, may namatayan or umuwi galing ibang bansa. Di pwedeng regular na araw lang? Yun gusto lang natin magkita? Hahaha

Sunday, Dada went to Mcdo for breakfast. Natakam ako, bitin yun breakfast and nag-crave ako sa orange juice.

Doctor says pwede na ako umuwi ng monday. Yey!

Tintin visited din nung afternoon. Katuwa, may dala sya from Conti’s. Kakatawa kase akala nya di pa ako pwede kumain. Hehehe

Dad and madi came din before nag-church, para makanood lang daw sila ng tv. Hahaha pero nagpa-meryenda sila, yehey!

Mga early evening naman Jem and family visited. Stayed for a while.

Processed with VSCO with t1 preset

With Jem

It was my last night sa hospital. Derick and Alei visited din pala.

Monday morning, excited na ako umuwi. Yun lang, late check out. Ang tagal ng doctor and ng approval or computation from insurance company.

Doctor showed me gano kalaki naalis, waaah ang laki. Hahaha

Nakalabas ako past 4 na. And btw, worth it ang tagal ng paghintay sa insurance coz ang laki ng na-save namin, and from Philhealth.

Save

Advertisements