Category Archives: Hair

New do

Standard

Ang tagal ko nang gusto magpagupit. Pero kung di ko maharap, wala akong pera or simpleng tinatamad lang ako. Also, gusto ko kase magpa-kulay ng hair kaya need ko talaga ng money coz mahal sya.

Anyways, gusto ko sana muna humanap ng ibang salon na medyo mas mura. I texted Jem and asked if san na ba sya nagpapagupit. She said David’s, pero try ko na lang daw mag Fix. Ang tagal ko na di nagpapagupit sa Fix, I think since 2010. When I tried Piandre. Then, Creations na.

Kaka-google ko ng Fix, nakita ko yun Studio Fix by Alex Carbonell. High end sya ng Fix. Saw their Facebook page and Instagram account maganda mga gawa nila. Actually, sa hair color ako na-attract.

I called them and made an appointment on Sunday at 2pm. Pero haircut lang coz duda ko mahal ang color.

Sunday, medyo nahirapan akong hanapin yun salon. The lady told me kase sa taas daw ng Zara, di lang nabanggit na 4th floor pala sya. Hehehe Bought ice blended mocha muna at CBTL then umakyat nako. Told the receptionist I have appointment.

Wala pang 5 minutes nahatid na ako sa loob. Paolo, asked me kung ano papagawa ko. Chika chika muna. Nung una akala ko sya na gagawa saken. Hahaha

He gave me a robe then nilagyan na nung uhm, cover hhaha I dont know what its called.

Then, Ms. Shella came na and kinausap na ako. I told her  I want to cut my hair short but I have a wedding to attend sa November and abay ako so I dont want my hair that short naman. She said lagpas shoulder and lalagyan nya ng layers. I miss layered hair.

Tagal ko nag-decide if I want to color my hair. May napili sana ako, but it’ll take 7 hours daw and 7k. Waaah another color pa costs 5k daw, and 3 hours lang.

After i-shampoo hair ko, nag-decide din ako magpa hightlights. I asked if keri bang matapos ng 6pm coz may dinner ako. In fairness natapos ako bandang 6. I said highlights na lang para mas mabilis lang. Di nako nagpalagay ng base color. Medyo kabado na rin ako kase baka kulangin din dala kong money. Pagtapos ko nag-decide medyo nagsisi ako and sa isip ko sana nga nag-antay na lang ako ng isa pang weekend para sure na may money ako.

But hey, maganda rin kinalabasan ng hair ko kahit

IMG_4758[1]

Parang ulam ang buhok ko na dapat na itago sa fridge. Hahaha

See that supot? Binabalot nila bags ng mga customers. For protection I guess.

IMG_4772[1]

Thank you Ms. Shella, I love my hair.

And today, Monday, first time to wash my hair. Back to normal. Ang wavy/curly hair ko. But I still love it.

IMG_4782[1]

Back to work. And my red lips are back too.

By the way, today is my first day of work after my operation.

Advertisements