Category Archives: Maculabo Island

Huling hirit sa tag araw!

Standard

0518-212012

The Reunion. My last RACE (Radical Adventure Concepts & Events) trip was MASSkara festival pa nung 2008. Ang tagal na pala. When King said there’s going to be a Calaguas trip  this May, wala na pag dadalawang isip kahit kakagaling ko lang last March. Go lang!

May mga di lang nakasama, sayang and we missed you guys. But we had fun pa rin. Keber ang mahabang byahe. Keber ang walang signal at di makapag text and online. Keber ang walang fridge and malambot na tulugan. Kung paradise naman ang kapalit.

Isang isla sa Camarines Norte ang napakagandang Calaguas Island. Amazingly beautiful! Super ganda at linaw ng tubig, mala pulbong sand, ma-berdeng mga puno, magandang sikat ng araw.

Kitaan sa Petron Makati Ave cor Buendia ng 9-10. Nakarating kame sa Paracale ng almost 9 i  think. Basta dumating kame ng Calaguas 11ish. Ang calm ng water, di nakakatakot. 2 hours  boat ride lang from Paracale, unlike nung last time na nag-Vinzons kame.

Paracale

we stayed here



Pagdating namin, nagpahinga saglit, nagpalit na ng swimsuits, at Angels sugod sa tubig. Hahaha we took pictures first. Mga ilang minutes lang, at di na namin natiis ang magandang tubig. Nag-dip na kame, from 12ish til mag sunset, nasa tubig kame. Umaahon for lunch (btw, uber sarap ng lunch: breaded chicken, molo, hamonado, rice, at mango for dessert), snacks, water/yosi break, sun bathing. Pero nangulubot na mga daliri namin sa tubig. Kamusta na ang kulay diba. Sunog kung sunog.

4ish unti unti na kame dumadami, nagsipag ligo na rin ang mga bagong gising naming kasama.

Picture taking nung nag golden hour na. Dip again sa water until mawala na talaga ang araw. 6ish, ahon. Nag abang ng dinner (kakapal ng mukha, aabang lang talaga sa food. Pero super thank you kila King and his family sa napakasarap naming mga pagkain).

Look how clear the water naman.

Cotton candy sky

Dinner ay inihaw na liempo, inihaw na fish (ano nga ba yon?), soup, ensaladang mangga at may panghimagas uli na mangga at saging.

After dinner, wash up na kame sa poso. Saya! LOL then socials na. Thanks Jhen for the tequila and the bar! Sarap ng kropek! Umulan lang kaya natigil na rin kame, natulog karamihan siguro bandang 11pm.

 

Fell asleep siguro 12ish. Joyce, Sarah, Tin-Tin and I decided to sleep sa sand lang. Naglatag lang kame, pero si Sawah may sleeping bag. May malong naman ako. Wawa naman Tintin and Yoyce kase as in yun nilatag lang na ground sheet (ata yon) lang. Pero tabi tabi kame. Kala ko mauulit ang Anawangin moment na di na kame makakatulog ni Yoyce kase uulan ng malakas at walang matutulugan. In fairness, nakatulog kame. Naalipungatan lang ng 3am to pee. Tapos nakatulog na ulet sya, pero ako naman gising and si Sawah. Nakita na namin pagliwanag. May sunrise na at 4ish pa lang. Ang aga diba. Pumikit na lang ulet ako dahil di ko naman makukuha na camera ko para kunan. Nadilat na lang ako 5am na, bumangon sila Sarah and Roch. Ang liwanag na. Hahaha parang 6am. Got up 5:30, nag coffee na. Nag ayos ng bag, nag intay ng breakfast, nag muni muni.

Breakfast na hinain nila ay: longganisa (parang sa jabi), hotdogs, scrambled eggs, rice, tapa (na uber lambot at sarap). At iba ibang klase ng kape!! SARRRAPPPP!

Break camp after eating. We left for Maculabo Island ng 8ish. Pero group picture pa muna. Pagdating ng Maculabo, dip ng super slight, picture taking, and balik Paracale na kame. Para naman sa aming Bagasbas trip.

Maculabo Island

Had lunch at Surfers Inn in Bagasbas. Sila Yoyce, nagpunta sa market to buy pasalubongs, while kame nag shower na rin. 4pm, start na ng surfing nila. We waited lang sa Surfers Inn. And nag TI muna ako, and fries habang nakikipagkwentuhan sa Manalansan Family and Mic. 5ish, nagbalikan na sila. Sumunod kame nila Yoyce, Roch and Sawah sa Catherine’s to have dinner. Balita kase namin ay masarap ang mango shake.

We left Bagasbas few mins before 8. Tulog!!!! Dumating ng Manila 4ish. Thanks sa paghatid saken! Dyahe, 3 van pa kasama. Hehehehe

I had so much fun! Bengga ang kulay ko. Sulit na sulit ang summer na to! I’m glad that my last hurrah for summer ay RACE ang kasama ko.

Tito Roy, Tita Linda, King and family, Yoyce, Roch, Sarah, Jhen (and cousins), Thina, Terence (and friends), Packy, Tess, Homer, Mic maraming salamat sa experience na to!


Advertisements