Category Archives: Cabacungan Cove

Back in Dasol

Standard

June 12-13, 2015

Went back to Dasol Pangasinan for the long weekend. But di naman sinagad yun 3 days. Almost, but didnt. Hahaha

This time I went with Joyce and her IG friends. We first met at Starbucks Reserve thursday night. Waited for Alex, Joanne and Will. Rode an Uber car to Victory Liner in Cubao. Since long weekend, kinda mahirap sumakay. We got there around 1. Nakasakay kame ng bus 4am na (aircon bus Cubao to Alaminos P393). Bus left 4:30 am. Natulog kame. At 9am, bumaba na kame ng Terminal in Alaminos. Rode another bus (ordinary) going to Sta. Cruz. Bumaba kame at Burgos market (alala ko yon kase nagpunta rin kame don last year nila Sally para magtanong and stop over lang). Pahinga slight, some bought burgers, some halo halo. Waited for our sundo and ate lunch sa market. After eating, namalengke yun iba and kame naghintay lang.

And then rode a trike going to Tambobong, its a 40mins long ride. Ok naman kase di na sya kasing bumpy like last year. Fare is P350/trike. Since 10 kame, we rented 3 trikes.

Pagdating Tambobong, sinalubong kame ni Ate Venus (09292326947), she’s really accommodating and nice even her husband kuya Rommel (I think yan name nya). The house is nice, simentado sya. May fridge, 3 bedrooms (but only 2 rooms ang pinapa-ren coz sa mga anak na nila yun isang room), 2 bathrooms (1 sa masters  bed and 1 outside ng rooms), kitchen, sala. Kumpleto actually. Sayang di ko ito alam nung nag-outing kame sa office.

In front of Ate Venus' house

In front of Ate Venus’ house

They arranged bangka na rin for us. 2 bangka daw coz di kame kasya sa isa. P200/head.

We first went to Cullebra Island. Umambon pa while nasa bangka kame. So medyo makulimlim pagdating sa island. But later on umaraw na. Syempre picture. Medyo nagkalayo layo kame para makakuha pa ng mas ok na view ng island. Di naman kame pwede mag-stay ng matagal kase pupunta pa kame sa Cabacungan Cove.

Cullebra Island

Cullebra Island

We left the island medyo malungkot coz we wanted to stay. But ok lang.

Next stop, Cabacungan Cove. Mas malayo pinagbabaan samin ngayon kesa nung kame last year nila Sally. Bago pa marating ang cave, nakaraming picture na kame. 😉

Cabacungan Cove

Cabacungan Cove

Di ko na pinasok yun cave, so I stayed na lang sa labas and naghintay sa kanila.

Pagbalik sa Tambobong, pahinga slight at kwentuhan. Tagal magkakuryente, kaya sa beach muna kame.

Group pic at Tambobong. (pic from Will)

Group pic at Tambobong. (pic from Will)

We stayed at the beach til sunset. And nag-wash up na kame. Then dinner, sarap ng luto ni Ate Venus ng adobo!! After dinner, hinanda na ang inumin at kwentuhan, takutan at tawanan. Lahat kame natulog sa sala.

Pag-gising, hilamos, kape. Naghintay ng almusal. Hahaha kumain, naligo at nag-impake. Gusto pa sana namin mag-stay kaso wala na kame tutuluyan. Dahil may naka sked na kay Ate Venus. Ending, na-suggest ko bahay namin sa Malindong. Kaya nagpakuha na kame ng trike, nag-bus kame from Dasol to Alaminos. Bus again from Alaminos hanggang sa bahay namin. Nagpaluto ako lunch. Busog naman lahat. After eating, nagpahinga at naghintay ng oras. Tapos pumunta na kame sa Lingayen. Pictorial sa Capitol. Hihi

Photo credit: Joyce Cairo

Photo credit: Joyce Cairo

Namili sila pasalubong sa palengke. Then we had dinner at McDonald’s. Bumalik kame sa bahay and nag-impake. Nahabol pa namin ang 10pm na byahe from Dagupan to Manila. Dumating kame ng Manila ng 3am. Nag-aya pa sila Joyce, Joanne and Alex mag-stay muna sa Bo’s in Glorietta kase maghintay na sila ng liwanag para umuwi. Kaya kwentuhan pa rin kame hanggang lumiwanag na.

Fun trip! Enjoy ako sa mga new found friends!!!

Advertisements