Category Archives: Batangas

2015 Travels

Standard

 

 

IMG_2302

  1. Boracay – my forever favorite island in the world (as of now coz I’ve never been to any beach outside Philippines. Oh except in 2002, when I was in the US nag-beach kame in Venice, not pretty hahaha). This was biglaan, as two of my long time friends planned in going. Kinulit ako and 2 days before the trip, I bought a roundtrip ticket.
  2. Baserri de Lipa – obviously, it is located in Batangas. This was a Holy Week panata with my bff’s. But since Sally was here for a short vacay only and no definite plans, Otchie looked for a place where we can spend our Holy Week. At dahil Holy Week nga, puno ang lahat. End up mag overnight na lang at dito nga nakakita si Otch ng may available room.
  3. Nasugbu – another Batangas getaway. It was Jemjem’s birthday and we want to go to the beach lang. I told Alfie we can share na lang. Sya naman din talaga ang may gusto mag out of town. I am happy kase nag-enjoy naman si Jem, even si Brenda eh nakabakasyon.
  4. Laiya – guess what, Batangas again. Hahahaha it was our company outing, and ayaw masyado lumayo. We stayed at Kabayan Beach Resort, good thing they have available room. Yun lang, good for 20 people and 7 lang kame. I enjoyed naman kahit di ko ma-enjoy yun dagat. Ang dami pang tao.
  5. Calaguas – actually, mas favorite ko na sya kesa sa Boracay. But I just cant stop coming to Boracay. I was with the Avon peeps, we booked a tour with Yapak ni Jose! Ang saya kase solo namin ang van, and comfortable. Di ako nabitin sa water and ice.
  6. Dasol – Pangasinan. My second time here. Independence day holiday and nangangati nako maglakwatsa. Good thing, may gala sila Joyce and sinama ako. I had fun, and super tawanan yung trip.
  7. Magalawa Island – Zambales. I’ve heard about this couple of months before kame nakapunta rin. Buti sumama ako, ganda sya. And memorable yun trip because of my ATM moment.
  8. Cebu – my second time in Cebu. Biglaan. At least this time, nakapasyal ako. We went to two  of 90+ falls in Cebu. When I heard we’re going to the falls instead of the beach, na-sad ako sa totoo lang. But, di ko pa rin pinagsisihan kase I had fun! The trecking and sitting on that cliff just for a photo, was just liberating. I was too scared kase ayoko sa mga edges, pero ang saya!

Ang konti ng 2015 ko, but better than none. I wish for more travels in 2016.

And my wishlist are:
Siquijor
Camiguin
Enchanted River in Surigao
Coron
Bohol
Bantayan Island, Cebu
More of El Nido

Australia
Phuket
Japan
Amsterdam
Paris

 

Advertisements

[10th in 2014] Birthday getaway: Puesto del Sol

Standard

Second time ko sana sa El Nido, Palawan eh. Naka book na kame ng 2 months. All set na, may e-ticket, boarding pass, may van na from Puerto Prinsesa to El Nido, may hotel na rin. Problema, traffic.

Hindi kame umabot ni Otch sa flight namin. Tama plano ko umalis ng maaga eh, hindi ko alam baket medyo di ko tinuloy. Isa pa rin na nagpatagal sa pag-alis ko ay naghanap pa ako ng mapagwi-withdraw-han. Ang hirap kumuha ng taxi, pinatulan ko na nga ang Uber, makasiguro lang na may masakyan at safe makarating ng airport. Kaso sobrang traffic talaga.

Our flight is at 6:30pm, since naka-check in na kame, dapat nasa airport na kame at nai-drop ang bags at quarter to six. Nakarating kame ng airport, 6:10 hahaha ok kasalanan namin, but yun may mga tumulong lang sana sayo na staff sa airport, wala eh. May bigla na lang girl nagsabi na kanina pa umalis ang plane, na ang hirap paniwalaan. Madalas delayed ang AirAsia, and naka-check in na kame. Hindi sila agad agad aalis. At 6:30pa ang alis, pero ang sabi kanina pa umalis, at 6:10 pa lang yon. Imposible!

Anyway, kahit anong gawin namin, sa madaling salita, goodbye airfare, goodbye hotel reservation. All paid in full. Ang saya!

I hate lang na yun hotel, nagpabayad ng buo pagka-book pa lang. Kakaiba diba? Usually, you pay the balance sa check out. And no refund or rebooking daw yon, parang airline lang.

Kinita namin sila Gladz and Ley sa HapChan, kumain na lang din kame and nagplano na umalis na lang kinabukasan. Kase naawa ata si Otch saken na malungkot ako. Well, malaking pera din nasayang at isa pa, birthday trip ko sana to eh.

Umuwi kame sa condo ni Otch, nag-plan magpa-massage at naghanap na kame ng mapupuntahan. Batangas! Napakaraming resort kame tinignan, pero mahirap na makahanap dahil peak season na rin. And ok, may nakita si Otch na resort, hmmm maganda sya. Kaya, nagpa-reserve na agad si Otch bago pa makatulog sa sarap ng massage nya. Hahaha

Woke up early, took a shower, ate breakfast. Umuwi pa ako para kunin si Grey, coz mag-convoy dapat kame. Turned out, pagdating ko ng bahay, wala si Grey. Ginamit pala ng kapatid ko. So problemado na naman kame.

To make the long story short, sinundo ulet ako nila Gladz sa bahay at tumuloy pa rin kame sa Batangas. Uuwi nga lang ng madaling araw the next day. Malayo rin pala ang Calatagan, pero keber dahil masaya kame sa road trip namin.

Dumating kame, padilim na. Maganda ang Puesto del Sol. Maliit pero maganda rin. Buti wala ako dala oto, kase di ko kaya ang papasok sa kanila. Ang tarik!!!!

Mabaet yun kausap ni Otch, panay check sya samin habang nasa road pa lang kame. Tapos nagpa-prepare na kame ng food kase wala pa naglunch samin and almost dinner na.

Our Room

Our Room

Nice din room namin, simple pero pasado saming lahat. We had extra mattresses. Yun tv nakakatuwa, may dvd player na sya. Kaya akala namin nung una parang hotel, na bigla na lang may mga default movies and pipili ka na lang and play. Yun pala, andon sa likod nya, kasama mismo sa tv yun player.

Yummy Dinner

Yummy Dinner

Knowing Otch, parang ang lakas kumain. Nagpaluto ng tortang talong, sinigang na isda, inihaw na liempo, pinakbet, chicken bbq. Tapos ang sarap ng mango shake!!! The owner is really nice. He speaks tagalog. Hindi namin naubos food namin, kaya sabi namin sa ibang staff, kanila na lang.

After eating, nagpalit na kame ng swimsuit at lumipat na sa pool. Ordered drinks also. So windy, so lamig. Hahaha

IMG_8637

The pool

The pool

Bar/kitchen

Bar/kitchen

Tekali (special drink made by Ralph)

Tekali (special drink made by Ralph)

With the owner Ralph

With the owner Ralph

The sweet staffs

The sweet staffs

We got up at 4am. Ate breakfast and said goodbye to the wonderful people of Puesto del Sol.

We’ll definitely go back here, bitin kase kame. Hahaha and maganda yun place, magandang sulitin.