Category Archives: Aurora

Balerrr

Standard

Ok, another trip that is not on my list. Biglaan ito. At eto na, talagang break in ni Grey.

Last week, Sally called me.. Tinanong kung gusto ko mag-Baler since long weekend ng katapusan. Napa oo ako, hahaha so naghanap na kame ng kasama. May lakad na sila Otch eh, and naka usap na ni Sally office mate nya. So 4 na kame. Then we asked Sarah if she wants to join, kase nung nag Palawan kame ni Sally, sabi nya sama sya on our next adventure.

Nag-start na kame humanap ng tutuluyan, and nag-search how to get there. Mali namin, di kame nagtanong sa mga kakilala nang nakapunta. Nag-depend kame on Google Map.

We decided to leave Manila ng madaling araw on friday.

Sally and I left home around 4. Met up with her officemate Len and husband Silver. Then, Sarah naman sa Eaton City at 5. Ako muna ang nag-drive. Dito pa lang sa Manila, naligaw na kame. Hahahaha pagpasok namin ng NLEX, napa yey ako coz first time ko mag-drive sa North.

Stopped at Shell para magpa-gas sana, kaso after namin pumila ng matagal eh wala pala silang premium. Sabi ni kuya, next gasoline station is Total. We had coffee na rin muna at Starbucks and nag-start na ng search sa map. Pare parehas lumabas samin na dadaanan. We left ng 7. Nakapagpa-gas kame at Total, after non si Sally na pinag-drive ko.

When we got to SCTEX, baket ganon ang traffic? 2 hours kame before nakalabas. At pila lang ng toll gate yon. After toll, hinanapp na namin kung san kame mag-exit. We were looking for Sta Rosa. And wala!!!! Umabot na kame ng TPLEX. We asked yun mga nasa toll how to get to Baler. They said we should’ve exit na sa Tarlac pa lang. Ayoko ng sisihan, pero kase according sa tinext ni Sarah, Sta. Rosa daw. Anyway, syempre tinatawanan na lang namin. Almost lunch time na sya.

Nakarating kame ng Cabanatuan around lunch. Hinanap namin yun Puno’s Ice Cream. Napakaliit lang pala nya. Hahaha parang Dan Eric’s lang din. So, nothing special for me. Siguro I expected too much lang. Di ko naman napanood yun KrisTV kaya wala ako idea sa ice cream na yan.

Puno's Ice Cream

Puno’s Ice Cream

After mag-ice cream, back to the road. Naghanap na ng kakainan. And wala na yata! Hhaha later on we saw this Henry’s Grill. Stop!!!! Went inside, nice ng place. Ordered and kumain. Mura na, dami pa. Busog! Sa gutom ko, di nako nag-take ng pictures ng food. Hahaha

Happy Busog!

Happy Busog!

04After this, the adventure begins! Sarah drove from here to Baler. After eating masasaya pa kame eh. After few mins, tinahak na namin ang malubak na daan ng Tarlac-Aurora High way. 4pm kame nag-start, nakalabas kame ng 8pm.

That rough road is one hell of a… rough road! hahaha sinusumpa ko yang dinaanan naming yan. Hirap nakikinig sa google map eh. Nung una nakakatawa pa kame eh. Later on, natahimik nako. Nagdadasal. Awang awa ako sa kotse ko sa dami ng gasgas na naririnig kong tumatama sa kanya. Mga nakailang tigil din kame dahil ginagawa yun road. It took us 4 hours ata sa rough road na yan, to think yan pa raw ay short cut. Nakalabas kame sa bundok na yan ng 9. Dumating kame ng Sabang around 9:40. Nag-check in, at nice naman yun house. Merong 3 beds sa taas. Ang baet pa kase nagbigay extra pillow and water dispenser. Kaya nakatipid ako sa water. Bathroom is downstairs. Pwede magluto coz may kitchen.

After ibaba ang mga gamit, lumabas na kame for dinner. I wasnt that hungry. Tsaka medyo matagal ang order sa Yellow Fin. Sila Sally, Len and Sil naglakad muna para humanap p ang ibang makakainan. Naiwan kame ni Sarah, kase order kame ng Nachos. Afer few mins, tumawag si Sally, nasa Costa Pacifica daw sila. Sumunod na lang kame. Pero hindi rin ako kumain, sila lang. I ordered Mango Shake lang.

We were given this to die for dessert. Kase may nakalimutan silang order na food ni Len. Wow ang sarap!!! Recommended!!

Free Chocolate Chip Brownie with Caramelized Banana

Free Chocolate Chip Brownie with Caramelized Banana

After nila kumain, we went back to Yellow Fin to pre-order our breakfast the next day. Then back to our room. Wash up, kwentuhan saglit. And went to bed.

Day 2.
Woke up early and punta na ng Yellow Fin, kase 7:30am namin sinabi i-serve. Aba, napakahaba ng pila. Nakakain ata kame 8ish na rin. Ano use ng pre-order diba? Pero wala naman kame nagawa, we waited na lang din. Ok naman yun food. And after eating went back sa room ulet to change. At yon, ready na sila to surf.

IMG_0498
One hour ang lumipas at natapos din sila. Nagbanlaw, nagbayad. Bumalik ulet sa room at nag pack. Nagpaalam na kame kay Nanay at nagtanong kung may iba pa sila masa-suggest matutuluyan. Meron, pero malayo na sa Sabang. Sabi namin mag-lunch lang muna kame.

Sa Costa Pacifica kame nag-lunch. Kase gusto ulet namin nung melted chocolate chip. Nag-share kame ni Sally sa food. It says on the menu that good for sharing sya, kinda bitin if gutom ka. Pero ok lang naman.

Baler bbq mixed plate

Baler bbq mixed plate

Syempre nag-order nga ulet kame ng melted chocolate, at naka dalawa kame. Yummy eh!!!

Ayun, after kumain pumasyal na kame. We went to Museo de Baler, Baler Church, Dona Aurora Aragon Quezon House.

Lunch at Costa Pacifica

Lunch at Costa Pacifica

Beside the pool

Beside the pool

Pool at Costa Pacifica

Pool at Costa Pacifica

Museo de Baler

Museo de Baler

IMG_0992

Baler Church

Baler Church

IMG_0529 IMG_0531 IMG_0533 IMG_0528IMG_0543IMG_0549

Dona Aurora Aragon Quezon House

Dona Aurora Aragon Quezon House

And went to our new place na. Di ako sure san sya exactly, didnt bother to take photo nung place kase di ko sya type. Super lamok nung bahay, pag open mo ng bathroom malamok din. Yun faucet sa may kitchen pag binuksan mo, makalawang pa. Air conditioned yun room, mura ang house kase they have 2 bedrooms, 2 bathrooms, may kichen, sala and veranda. Pero kung tinamad lang rin lang sila linisin yun house before magpa-upa at di nauubos ang lamok, thank you na lang.

We went back sa Sabang for dinner. Pinuntahan namin ang suggestion ni Abet na Kusina Luntian. Masarap food, pero maghihintay ka lang talaga kase isa lang ang lutuan nila.

Daing na pusit tib P65.00

Daing na pusit tib P65.00

Daing na bangus da P65.00

Daing na bangus da P65.00

Wapang wapang na liempo P85.00

Wapang wapang na liempo P85.00

After eating, bumalik na rin kame agad sa bahay, coz naiwan din namin si Sarah.

The next day, we went to Diguisit Beach. Naku, sana dito na lang kame nag-stay. Maganda sa Diguisit. Wala na kame iba napuntahan, plan namin puntahan sana yun Mother Falls, kaso it rained the night before kaya malabong pumunta dahil malakas ang tubig.

Diguisit Rock Formation

Diguisit Rock Formation

Diguisit Falls

Diguisit Falls

Diguisit Falls

Diguisit Falls

Having tanduay ice at Dela Torre Beach Resort while resting

Having tanduay ice at Dela Torre Beach Resort while resting

After sa Diguisit Beach, went back sa house to get ready. Left the house at noon. Lunch at one of the carinderias in The Rolling Stores of Baler. Good cheap food! Larga na around 2ish.

Had dinner naman at Hapag Vicenticos in Cabanatuan. Wow, sarap ng food.

Dinner at Hapag Vicenticos

Dinner at Hapag Vicenticos

028027

This trip was indeed an adventure. Bitin lang, kapos sa oras. We’ll definitely go back to explore more!

Advertisements