Nag-deliver si Derick kahapon sa First Gen, so di sya nakapag-lunch dahil inaabangan na yun item. Pagbalik nya office, gutom daw sya. Syempre nagbibiruan ng ayaan. Birong, pwede maging seryoso. Hahaha
Kaya tinanong ko san sila kakain ni Alei. Hindi pa raw alam. After nila mag-text text, sabi nya “Japanese daw”, aba game ako. Paborito ko kaya. Kung saan, later na raw.
So umuwi muna sya, then before 9pm, nag-message na sya na mag Little Tokyo daw kame, ok naman saken coz marami choices.
Dinaanan ko sila, and diretso na kame.
Sa Izakaya Kikufuji kame pumasok. Hmm mukhang mahal, pero ok lang. Ang dami choices, pero dahil matagal na ako nagke-crave sa katsu, I ordered Hire Katsu (P245). And nakakita kase ako ng Sushi menu nag pwede per piece. Ewan ko naman kung baket hindi ko napansin, na sushi pala yon, nakita ko lang basta kase na Ebi (P65/piece), so ang thinking ko Ebi Tempura. Tinanong ko pa sila Derick and Alei kung gusto nila, puro sila na ok lang, so sabi ko sabihin na nila para alam ko ilang kunin ko. Putcha pagdating, sushi nga, akala ko pa nung una, order nila. Yon pala, yon yung order ko. Tawa kame ng tawa kase akala nila gusto ko talaga yung hilaw na hipon. Oh well, kinda ok naman.
Pagdating ng Katsu ko, ano ba yon, ang panget ng itsura. Para sa ganong restaurant, expect mo na maganda naman kahit papano pagkakaluto.
Then yun food ni Derick, duda namin nakalimutan, ang tagal eh. Tapos sa kanya pa yung may miso soup, sarap.
Busog naman kame. Alei ordered Yakisoba (P190), Derick ordered Chicken Teriyaki Don (P265), then nag yakitori (kung yon nga ba talaga tawag, Aspara Bacon P60, Enoki Bacon P60) sila, tuna sashimi (Maguro P250) na ang itim na at ang lalaki ng cut, california maki (P220/6pcs), coke in can P70 and extra rice P65.
Oh one more thing, di pala smile ang mga servers nila ๐ฆ
I think, I’d still go to Yabu or the like for a Katsu, and Dad’s (Saisaki) for a good and unlimited tempura.