Monthly Archives: June 2017

Kuya J Restaurant

Standard
Processed with VSCO with a4 preset

Nice naman ang Menu, magazine ang dating.

Medyo gusto ko to i-try last week pa. I saw it kase sa Jazz Mall, parang sosi sya. Kaso since sabi ni Jonah parang Max’s lang sya at katapat na lang rin ang Vikings, eh mag Vikings na lang, di ko tuloy nasubukan.

Then, nag aya si bro pa-gas kame at Landers kase nga sale sila. Eh wow sa pila, blockbuster, naisip namin kain na lang kame sa Landers. But gabi na, 2 na lang natitira nila food, pizza and bucket of chicken. Ayaw namin.

Eh nasa labas lang ang Kuya J, sinubukan namin. Aba parang sosi naman sa loob.

Ordered Pork Sisig (P200), Bangus ala Pobre (250), Crab rice plater (P175), Ube halo halo (P109) and Pitcher of Iced tea (P120). Masarap yun rice, just that di sya lasang crab. Parang margarine rice lang sya with super few crab bits. The sisig, hmm nope. The bangus, yon ang masarap. Only Alei ordered the halo halo, and masarap naman daw sya. Yun shaved ice nya ang ube, so no ube ice cream ito. Sobrang soft, parang Bingsu.

The place is nice, but siguro di na ako mag aaya ulet dito. At least natikman.

Advertisements