Monthly Archives: February 2016

[1st in 2016] ThessJason

Standard

My first out of town trip for this year is Boracay. Bagong bago. Hahaha I have 2 more trips to Boracay this year.

We booked this trip just last January. Akala namin hindi na kame matutuloy but nahiya kame sa groom. He is our good friend Packy, a.k.a. Jason. Good thing nagkaron pa ng seat sale, but weeks after booking Cebpac sent an email to Joyce saying na-move ang flight namin to a later flight. Hindi naman pwede, kase the next day na yun wedding. Found a cheaper flight from AirAsia but earlier date naman. Ok naman din sa kanila kaya we booked it na rin.

So, our flight is at 5:40pm. But AirAsia texted Joyce around lunch time na delayed ang flight namin to 7ish in the evening. Nag Uber ako coz nahiya ako magpahatid sa airport. Sinundo ko si Joyce sa Makati and diretso Airport na. We got there past 4. Tambay lang muna and waited for Noel.

IMG_0014

Still smiling kahit 4 hours delayed ang flight.

Later on, nag-announce na delayed na naman flight namin to 9:40pm. Bad trip na kame gutom pa. Isa pa, wala pa kame tutuluyan sa Bora. They gave us 1 pc chicken joy and a bottled water, thank you but no thank you for a cold chicken joy without gravy and room temp na water.

We ate them anyways, hahahaha sayang din.

After eating, Joyce and I went outside for a smoke. Yun pala si Noel, kumokontak na to inform us mag-board na kame. Sakto naman pagpasok namin, narinig ni Joyce na boarding na nga ang flight namin. Takbo kame. Muntik pa ako di makasakay coz muntik na mawala boarding pass ko. Nahulog sa may xray. Hahaha

Pagdating Kalibo, wiwi lang then nakahanap na ng van si Noel papuntang Caticlan. Kame na lang hinihintay para umalis. Kahiya hahaha

Nagkaron pa ng friend si Joyce sa van.

11ish, we arrived Caticlan. In less than 20 minutes we were walking na para humanap ng tutuluyan in Station 2.

Found one sa La Fiesta pero sinubukan pa rin namin i-check sa Tans/Taj/Eriko’s. Pero no luck and we’re all pagod na. Buti nga di pa nagkaka badtripan.

Packy or James called up Joyce and sabi pumunta na lang muna kame sa hotel nila. So we walked from Station 2 to Station 3, medyo malayo yun resort ah. Hahaha but it’s ok, kase nag-enjoy naman kame sa kulitan. Bought hotdog din while walking para may konti naman energy.

We finally reached the resort and James let us stay in their room for the night. Binaba namin stuffs namin and lumabas. We stayed sa may convenience store where we saw them and bought some drinks. Nadapa pa ako. May gumapang malaki gagamba saken and I freaked out. Subsob sa sand, and sugat ang tuhod hahahha it was funny. I hope they didnt check the cctv.

Past 4, we all went to our room na and slept.

Woke up 9ish pero wala gusto bumangon. Tried waking James up coz he needs to work at 10, even si Noel.

Pero walang bumangon until almost lunch time na. Lumabas na lang kame to have brunch.

Mahirap humanap kainan in Station 3 hahaha

IMG_0019

Lunch at Casa Pilar

Found Casa Pilar and medyo ok na samin coz gutom na talaga. We ordered sweet & sour pork (na parang ketchup lang ginamit na sauce) and that garlic dory na mali ata yun luto. I forgot ano order ni Noel but sabi namin sana buttered dory with garlic na lang sinabi hahaha then I ordered a mango shake. It was ok na rin.

IMG_0116

Went back to the hotel after eating. Stayed there and chill lang. Ka-text ko si Otch and kawawa naman coz na-cancel ang flight nya. Walang tulog at nag-book ng bago sa PAL. Nakarating sya ng 3 na ata, met up with her. Medyo kabado ako nung una kase first time namin ulet magkikita since July. Pero ok naman, parang wala naman nangyari. Ang laki ng room nya, este namin hahaha

IMG_0022IMG_0043

Took a shower after ng kwentuhan, and we went out na. Almost sunset na rin and malapit na mag-start yun practice nila Packy, kaya di na kame lumayo sa resort.

IMG_0024IMG_0029

Ordered frozen margarita while waiting/watching the practice. Dumating na si Noel after few mins and naka facetime namin si Sally and Chloe.

After almost 1 hour, nagka ayaan na kumain, but di na kame sumama kila Packy sa D’Talipapa. Gusto ni Otch mag tapsi, and actually ako rin, the night before pa. So naglakad kame pa-Station 2, poor Noel kase don na sya galing and pagod sya kalalakad. Pero baet pa rin coz di naman sya nagreklamo.

Sinikmura si Otch sa pagka-inom namin, kaya di sya makakain ng maayos. Super nice Noel went to the drugstore to buy meds, at di pa nya kinain food nya. Nahiya sobra si Otch, kaya pinabilihan nya ng water si Noel. Tapos na kame kumain nung nakabalik sya, pawis na pawis. Hehehe

Sabi namin, pagbibigyan namin sya mag-dessert dahil sa pagod nya. So we went to D’Mall. Gusto daw nya sa Lemoni Cafe because meron sya gusto (I forgot kung ano yon) pero naubusan na.

IMG_0117Puro kalokohan ang kwentuhan over desserts. Ang kulet lang. Hanggang bumalik na lang kame ng resort.

And andon na si Donnie, nakikipagkwentuhan na kila Packy, syempre kunyari surprised ako. Hahaha

Nakihalubilo kame sa friends nila Packy. But didnt stay long, we went to our room na lang to drink. Natapos kame almost 5am na. Halo halong topics and puro funny.

On Saturday, wedding day, woke up at 9ish. May text na Joyce and Donnie. Di na kame abot sa breakfast ni Otchie, but Noel and Joyce are having breakfast na. Donnie’s waiting for our text lang daw. We got up and took a shower. Decided to go to Station 1, mag happy hour at Obama. Nag-trike kame going there kase ang layo naman from Station 3 diba.

Nag brunch na lang kame and kwentuhan ever.
IMG_0092
Went outside after eating for drinks. Took a 10minute dip in the water, sarap ang lamig. Malumot lang. Didnt stay long coz we need to go back sa resort and mag-ready for the wedding.
IMG_0090

One hour is all we need to get ready, in fairness kinaya namin.
IMG_0042

Went downstairs, saw them lining up. And while waiting, we again ordered drinks.

Hanggang sa nag-start na, di na namin naiwan drinks namin. We just witnessed the wedding ng nasa restaurant kame. But we heard Tess’ vows, ang ganda!!!! Packy’s serious with his vows, medyo nanibago kame sa part na yon. We all love them both! They’re perfect for each other. Kakilig!

IMG_0046

IMG_0045

Donnie and Otchie with the Groom, Packy

IMG_0049IMG_0052
We had sangria before mag-start reception, and we didnt get a table na. Nasa cocktail table lang kame, parang mga wedding crashers lang.

Food was yummy!!

IMG_0169
After sa reception, sa room na naman namin kame napadpad. Medyo mga kalokohan kwentuhan hanggang naging seryoso. In fairness, maaga kame natapos. Hahaha

On Sunday, woke up past 9 again pero umabot sa breakfast. Ayaw ni Otch kumain, so I asked Donnie if gusto nya sumama mag-breakfast. So we had breakfast. Not that masarap ang breakfast nila, and yun ibang food pa handa from the wedding. Bat ganon? Sana tinabi na lang nila for lunch or dinner. Di na bagay for breakfast and parang nakakahiya naman kase most guests from the wedding stayed at the hotel.

Anyway, si Otch ready to leave na and di na muna ako nag shower coz sa room na lang sana ni Donnie. But sabi namin mag-drinks na lang muna kame downstairs til umalis si Otch ng 11. Sumunod na sila Joyce and Noel, naka ligo na and all packed up. And since di pa nga kame aalis, nakiusap kame if pwede pa ako mag-shower sa room namin. So I did.

When 11 came, Otch left na and we went to Donnie’s place para iwan gamit namin. Dapat mag-dip pa kame sa beach and iinom sana pero kapos na sa oras. We had lunch na lang at Jony’s.

At 4, we left Boracay na. Left Donnie na rin there coz Monday pa balik nya ng Manila. From Caticlan Port, may lumapit samin mama and nag-offer na mag-cab na lang kame to Kalibo. P800 lang daw, and P750 na babayaran namin kung mag-van lang kame. We took it, at least comfortable pa kame and pwede namin patigilin kung feel namin.

Delayed flight ni Otch kaya inabutan pa namin sya pagdating namin ng airport. Cebpac sucks big time. Delayed din daw flight namin and di nila alam what time na ang flight namin. Funny diba. So nag-dinner na lang kame. Naki-charge na rin. At masaya naman kame sa kinain namin.

Went back to the airport, nag-tanong kung ano na balita sa flight namin, wala pa rin. Pero si Otch 9:50pm na raw. Galit na galit na sya, coz buong maghapon na sya andon. 4pm dapat ang flight nya eh.

At 11, finally nag-board din kame.

IMG_0061

So happy that we’re finally on board.

I had a great time kahit puro alak laman ng tyan namin the whole trip, umuwi naman kame may kabag. Joke. Hahaha

Advertisements