Monthly Archives: May 2015

[4th in 2015] Calaguas Island 2015

Standard
Calaguas Island

Calaguas Island

It is my fourth visit to this Island (16-17 May 2015). And it is my first time to see A LOT of people on this Island. Akala ko nasa Puerto Galera or Boracay nako eh. But no, kase hindi kasing clear ng water ng Calaguas ang Boracay or Puerto Galera.

Last time I was here was in 2013. Oo, medyo matao na that time, may isang resort na rin na ginagawa. Pero fewer cottages/nipa huts, bathrooms, fewer people, no electricity and yeah may nagpa-party na rin. In 2012, mas lalo wala ang mga ito.

This time, malayo layo pa sa Island kitang kita na ang dami ng boats naka park, mga tents na nakatayo, cottages and there are now big nipa huts na pag mamay ari na ng resorts or sino man. 😉

May kuryente na, well of course gawa ng generator. They said lights out at 12, pero nagising ako ng past 2 am, may ilaw pa. Dumami na rin ang stores, pwede na nga rin magpa-charge ng gadgets. Halo halo, 25 bucks pa rin. I think yun 1.5L na coke nagmahal or siguro sa ibang store lang.

Meron nag-team building, and nag party nung gabi. Akala nila Boracay, kase di sila basta party lang. They wanted a naughty party. As in the MC or host or whoever he was, sumisigaw ng body shots, pero wala naman sumasali. They’re also screaming who want to have s*x or who’s having s*x that night. Stuffs like that. They stopped naman ng 12midnight. But there’s also this one big boat na nakapark lang don and didnt stop mag-videoke.

Oh well, they say some like the parties and pagbabago ng Island. Some dont, they want the quietness of the Island. Ano nga ba magagawa natin kung kilala na sya at gusto na sya i-develop. Just that, sana ingatan ang island. Nakakita na rin kase kame ng mga kalat. Some kalat I picked na rin and nilagay sa trash.

Anyway, syempre nag-enjoy mga friends ko sa first trip nila in Calaguas Island. Worth it daw ang 9 hours sa kalsada and 2 hours sa boat at ang 45mins delay sa port.

Salamat sa Yapak ni Jose Travel & Tours for taking care of us. On time sa meeting place, mas maaga pa kame nakarating sa Daet kesa sa nasa IT for breakfast. Mas maaga rin tuloy kame nakarating sa Island.

Very maasikaso, masarap ang pagkain and mabaet ang coordinators (Myke and Riden) also our driver. Comfortable kame sa van, coz bago bago pa (Toyota HiAce). And di nila kinalimutan ang request kong maraming ice and water. Thumbs up.

Na-miss ko rin tuloy ang RACE (Radical Adventure Concepts and Events), kase lahat ng package tour ko before sa kanila kame. And syempre, family na kame don. But di naman kame pinabayaan ng Yapak.

Sarap magbilad sa arawan at magpaitim. Yun lang, ang hapdi sa mata ng water. Hahaha project tan achieved!

Btw, tahimik ang water papunta (8:30am) til makarating kame (10:30am), pero nung pabalik sa Vinzons kinda may alon na (left the Island 10:30am). Di pa naman nakakatakot pero enough din para makabasa, lalo na sa mga nakaupo sa harapan :D.

The gang with Yapak's Sir Myke and Sir Riden.

The gang with Yapak’s Sir Myke and Sir Riden.

DCIM101GOPROGOPR3487.