November 1-4, 2012
Went to Baguio for the second time this year. This time, with my family.
Si daddy bigla lang nagyaya eh. Syempre sama naman kaming kids. Tutal long weekend at walang lakad.
We left Manila ng 11ish pm. Nag Victory Liner kame and syempre libre pamasahe.
Dumating kame ng Baguio around 6am. Ang lamig. Ang sarap. Breakfast kame agad sa Jollibee, libre pa rin ๐
After breakfast, pumunta na kame sa Green Valley. Kinda far ah. Ok naman yun place ni Atty. Inuturan, kumpleto gamit and so happy kase may fridge. Syempre nagbaon na rin ako ng water before kame sumakay ng cab. Buti na lang, kase malayo yun unit nya. Mali pa pinagbabaan ng cab samin, kaya ang layo rin ulet nilakad namin at paakyat pa. At may bitbit na gamit. Whew.
After namin mag-settle, nag-rest muna. Pumunta kame kila Tita Kareng nung lunch time to eat. And then nag spend na kame ng maghapon namin sa labas. Naglakad lakad kame sa Session Road, and naglibot sa SM. Pero si Derick, mabilis nagutom. Nag meryenda kame at David’s Tea House. I had Mami. Naglakad na naman kame sa Session.
Nag inquire kame sa La Brea Inn ng room. Kase nalalayuan talaga kame don sa tinutuluyan namin.
Tapos maya maya pumunta na kame don sa Canto. Yun sa pinagmalalaki nilang masarap na baby back ribs. Well, di ko sya nagustuhan. Actually, masarap pa ginagawa namin dito sa bahay.
Dad paid everything. Poor daddy. Sila Tita Kareng pa nag-aya at nagmayabang sa place. Kasama pa pati gf din ng anak nya. Pero ok lang, sanay na kame, every time we go there daddy ko gumagastos for everyone.
After dinner, nag ukay ukay kame. Masaya kame ni daddy sa comforters na nabili namin. Ang gaganda pa at ambabango. Na-miss ko mga pinapadala nila mommy dito. Umuwi na kame pagtapos mamili. Halos ayaw kame isakay ng cab kase ang layo namin. BTW, si daddy and madi nag-stay kila Tita Kareng. Kame lang nila Derick and Alei ang nasa Green Valley. Napapasubo kame sa taxi, mahal eh.
The next day, kumilos kame late na. We had lunch at Cafe by the Ruins na last August ko pa gusto i-try. Kinda pricey sila kaya kaskas card kame. Hahaha
I ordered Beef tenderloin Steaks and Fresh Mango Shake. Masarap yun Beef Tenderloin ah. Lambot nya and malasa. Lavet! Bro and SIL ordered Baguio Bagnet (P300) and Tita Susie’s Crispy Tapa (P280).
After eating, dumaan lang kame ulet saglit sa SM. Then nag Camp John Hay na kame. Nagtingin tingin sa outlet and I got myself a bag at UCB. Kakainis kase may nakita nako nung una na purple. Kaso hinanap ko pa brother ko para ipatingin kung ok lang. Kaso pagbalik namin, nakuha na nung isang girl. Good thing I love brown din, kaya kinuha ko na. Kaskas card again. Yari ako kay daddy.
Si Derick parang hindi nabubusog. Nakakita ng pizza parlor, ginutom ulet. So nag-pizza pa kame at Carlo’s Pizza. Ordered Pizza and soft taco (P 95) for me and Alei. Busog kame.
So, after ng meryenda, naglakad na kame sa Starbucks. Nagpapalibre kame kay Derick ng Toffee Nut eh. Pero di ko rin tinuloy, I paid for my frap. Hayaan ko na si SIL na ilibre, mag asawa naman sila. Hehehe
Had my first Toffee Nut for the year. At ang dami tao sa Starbucks Camp John Hay. Liit pa man din ng place. We didnt stay long. Bumalik din kame sa Session kase magpapa-massage kame. Di ko na-enjoy massage ko this time, unlike nung last time kame ni Sally. But its ok, libre ulet ni Daddy eh. Kaso aawa na ako kay daddy, saket pa rin ng leeg nya. Di nawala sa massage.
After ng massage namin, went back to tita Kareng’s place para mag-dinner. Bumili lang sila ng inihaw na bangus sa may Session. Tapos may konting handa kase birthday pala ni Inday. Pagkatapos namin kumain, nagpahinga lang kame saglit at bumalik na ng Green Valley. Pagdating, nag-ayos na lang ng things and nanood pa ako ng series.
On Sunday, our last day woke up late (actually yun dalawa lang). Nag-prepare na kame and went back kila tita Kareng, ate lunch at lumabas ulet kamd nila Derick. Namili pasalubong and nag-coffee again. Yey! Tsaka ang inet eh. So lakad kame hanggang Starbucks in Session Road. Saglit lang kame. Bumalik din kame agad sa bahay tapos umambon pa. Di na kame nagtagal pa din kase 6pm naman byahe namin pabalik ng Manila.
A magastos and puro kainang trip to Baguio with the Family to. Magastos kase bawat labas namin, sagot namin. Hahaha buti nakalibre kame sa tutuluyan and fare. Sana si daddy na-relax. Kaso I doubt dahil sa nakaka inis na madrasta ko.