Caramoan Survivors

Standard
 
 

Second CamSur Trip for this year.

I left Manila Thurs night. I tried matulog sa byahe. Well, kahit papano nakaka-idlip ako kesa nung first time. Dumating ako ng Pili 6ish na. Sinalubong nako nila Chinee, Gee and Xtian.

Ate breakfast. Tapos nagpasama si Chinee sa Naga para sa mga gagawin nya. We ate lunch at Jollibee. Tapos kame na lang ni Christian bumalik ng bahay, sya may pinuntahan pa.

Pagbalik ng bahay, rest lang kame. Pagdating ni Chinee, gumawa na ng dinner. Waited kila Ning na makabalik from the mall. Tapos kinita namin sila ni Gee sa 7-Eleven para iluto na namin yun babaunin. 

Nag-ready na ng mga dadalahin for Caramoan, nagkwentuhan kame slight ni Chinee. Nag-text kame ni Marco and 1ish, natulog nako.

Woke up 4ish.


We left Pili around 6am 
with Chinee, Gee, Christian, Ning and Erick. Medyo mahirap lang sumakay ng papuntang San Jose. 1hour and 15 minutes later, nakarating kame ng San Jose. Rode a trike papuntang Sabang. Malas, wala pang boat at 9ish pa raw. Tambay mode and kumain na lang muna kame. Mga bandang 10am dumating na ang MV Harry V. 2hours din byahe going to Caramoan. We reached Guijalo port around 12:15. Sumakay ulet kame ng trike papuntang CMC. Oh meron din palang Environmental Fee.


Pagdating ng CMC, aba in fairness na-surprise naman kame. Maganda rin yun place. And ok na yun pool nila. Nice naman the girl na kausap ko sa CMC. Sabi nya ready na raw ang room namin, kaya we went upstairs. And napa-wow na rin naman kame sa room namin. For 2400 a night, not bad na rin ang room. It has flat tv screen (HD daw, kaso uber labo lang :D), AC, bathroom, 3 beds. At maluwag sya.


Slight na freshen up ang ginawa namin. At pumunta na kame ng Paniman (na napaka lubak ng daan, and parang 40mins from CMC) kase andon sila Mang Ramil (boatman | 09074351962). We told them na di na kame mag Long trip kase kulang na kame sa oras. Sayang lang, kase open pa naman lahat ng islands. Break muna ang Survivor. Yun first island was ok naman, don na kame kumain ng lunch. Hindi ako nakigulo sa pictures kase medyo off mood ako dahil sa init. And sabi ko may mga susunod pang islands. So later nal ang. Yon pala, yon na ang may ok na sand mapupuntahan namin. Yun last 2 islands, wala na maapakan na sand. Tatalon ka na sa water. Meron yun isa may small cave. Pasok naman kame, di lang kame lumabas na sa kabila kase wala maapakan. And ang dami nang dumating nung andon kame, medyo naunahan nila kame maglakad sa cave. There are times pa na biglang ang lakas ng tubig.

 

Natapos kame sa island hopping na bitin na bitin. Nawala naman sa mga isip namin na four islands lang pupuntahan. Sana nag-stay na lang kame ng matagal sa each island na pinuntahan. Nagpasundo kame kay Kuya Mar (guard ng CMC) sa Paniman. Na-flatan pa sya, so may time na nagtulak pa sila Gee and Erick. Kawawa naman. Pagdating ng CMC, we decided mag wash up muna before mag pool, kase nangangati na kame. And para makapag-dinner na rin.

After naman mag-shower, wala na kame maabutan food. Wala silang menu, buffet lang and 2 dishes na lang natitira. Kaya nagpunta kame sa bayan para kumain. Malas lang namin kahit 8ish pa lang wala na makainan. Kahit sasakyan paubos na rin. Buti na lang may nakita rin kame. We ordered sizzling sisig na good for 2 daw pero isang sizzling plate naman pala, adobong pusit and rice. Uber anghang the sizzling so sumubo ako ng mga 4 lang siguro. Di ko keri. Ang isa pang kainis, putek sa tagal ng service. At parang di makausap ng maayos mga staff nila. Bawat tanong  namin, magtatanungan muna sila bago makasagot. Or minsan di ka papansinin. Nagsisipag init na mga ulo ng mga tao. Pagod ka na, gutom pa tapos ganon makakausap mo.

Anyhow, after eating, nawala si manong driver ng CMC. Ending, nag-side car kame. Ang hirap humanap ng public transpo sa kanila. When we got back sa CMC, nagkatamaran na mag-dip sa pool. And since almost 11pm na yon, nag decide na lang kame to call it a night. Maaga pa alis nila Ning and Erick eh.

The next day, nagising kame ng 6. Bumangon around 7, and bumaba kame to swim. Kaso ako, nag-coffee na lang. Sila Chin and Gee, noodles. Si Christian, nasa pool na. 8am, I went back sa room para mag shower na. Kailangan namin makaalis ng maaga para mahabol ang 10am na byahe ng bangka pabalik ng Sabang.

Two hours boat ride na naman, at ang init ah. Nag lunch kame sa may isang karinderia sa may terminal in Goa. Nakabalik kame ng Pili mga 2ish na rin. Pahinga saglit and ako, nag-pack na naman. I left Pili ng 7.

Thanks Gee sa paghatid sa terminal. Muntik pa yata akong di makauwi. Kase uber dami ng tao. Wala ako nakuha ticket sa RSL and Isarog. Good thing, may isang seat pa natitira sa DLTBCo. Pinakalikod nga lang. 8:45pm bus left Naga. I got home 5am.

Adventure nga ang trip na to. Masaya rin ang mag DIY ah. Nakatipid and nakakabilib sa sarili ang dating. Na makagawa ka ng ganyang trip.

I had fun kahit di 100% akong jolly person nyan. I guess, dahil pa rin kay Aunt Irma. I hope you guys had fun too!

Anyways, breakdown ng gastusin:
900 – Cubao to Pili (Isarog lines)
60 – Pili to San Jose (bus)
20 – San Jose to Sabang port (trike)
50 – lunch at karinderia
120 – boat ride from Sabang port to Guijalo port
10 – para sa pantawid sa bangka
10 – porter
30 – environmental fee
20 – Guijalo port to CMC (trike)
480 – accomodation (at CMC. 2400/night)
40 – CMC to Paniman (trike)
260 – island hopping (1300 sya para sa short trip/4 islands)
40 – Paniman to CMC (Trike)
100 – share for dinner40 – bayan to CMC (padyak)
20 – CMC to Guijalo port
10 – sa pantawid ulet from boat to shore
22 – Sabang to Goa (jeep)
100 – share sa lunch
60 – Goa to Pili
12 – Pili to Naga (bus)
900 – Pili to Mantrade (DLTB)

Nasa P3304 din pala gastos. Hehehe


Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s