Monthly Archives: May 2012

Happy birthday, Daddy!

Standard

Daddy’s 65th birthday!

Greeted him this morning with a sweet happy birthday and may tsup pa sa cheek. He said “thank you” ng malambing.

Sa office, he asked me to call Lutong Macau at mag-order na raw ng food tapos he’ll pick ’em up na lang. While waiting naman, usap kame ni Derick pano na ang dinner namin. Sabi namin, treat na lang namin si Daddy sa Dad’s.

Umalis na si Daddy around 12 para kunin yun order namin. Tapos sabi namin bili kame ng cake, meron daw masarap dyan sa Makati. Kaya labas muna kame nila Derick, wow ang cakes sa Purple Oven. Yum naman, mas mahal lang sa Becky’s Kitchen. Pagbalik namin, wala pa sila Daddy. Pero after few mins, dumating din so we ate lunch. Busog naman! We had fried spareribs, beef with broccoli, sweet & sour fish fillet, yang chao, salted fish and seafood fried rice. Bumili rin kame ng lechon manok sa Sr. Pedro.

After lunch, back to work, at nanood ng impeachment, ayun convicted si CJ Corona. Funny si Sen. Miriam Santiago, kakaaliw sya talaga. Boring ang senado kapag wala sya. Nakakatuwa din si Sen. Lito Lapid. While watching, dumating si Leslie, may dalang cake. Aba from Purple Oven din. Hahaha buti magkaibang cake ang binili namin.

chocolate campfire

cake from Leslie

Ayun, habang naghihintay ng result kay CJ Corona, nag meryenda na kame. Yummy the cakes ah!!

Busog naman kame!

Dinner, plan namin diba ay mag Dad’s. Kaso pabagalan ng kilos. Di naman kame abot sa Dad’s. Nakaalis kame ng bahay 8ish na, ending Gerry’s Grill in Glorietta 5. Busog again!

Sabi ni daddy before umuwi, masaya naman daw sya on his birthday šŸ™‚ thats good to know! Love you Dad!

Huling hirit sa tag araw!

Standard

0518-212012

The Reunion. My last RACE (Radical Adventure Concepts & Events) trip was MASSkara festival pa nung 2008. Ang tagal na pala. When King said there’s going to be a Calaguas tripĀ  this May, wala na pag dadalawang isip kahit kakagaling ko lang last March. Go lang!

May mga di lang nakasama, sayang and we missed you guys. But we had fun pa rin. Keber ang mahabang byahe. Keber ang walang signal at di makapag text and online. Keber ang walang fridge and malambot na tulugan. Kung paradise naman ang kapalit.

Isang isla sa Camarines Norte ang napakagandang Calaguas Island. Amazingly beautiful! Super ganda at linaw ng tubig, mala pulbong sand, ma-berdeng mga puno, magandang sikat ng araw.

Kitaan sa Petron Makati Ave cor Buendia ng 9-10. Nakarating kame sa Paracale ng almost 9 iĀ  think. Basta dumating kame ng Calaguas 11ish. Ang calm ng water, di nakakatakot. 2 hoursĀ  boat ride lang from Paracale, unlike nung last time na nag-Vinzons kame.

Paracale

we stayed here



Pagdating namin, nagpahinga saglit, nagpalit na ng swimsuits, at Angels sugod sa tubig. Hahaha we took pictures first. Mga ilang minutes lang, at di na namin natiis ang magandang tubig. Nag-dip na kame, from 12ish til mag sunset, nasa tubig kame. Umaahon for lunch (btw, uber sarap ng lunch: breaded chicken, molo, hamonado, rice, at mango for dessert), snacks, water/yosi break, sun bathing. Pero nangulubot na mga daliri namin sa tubig. Kamusta na ang kulay diba. Sunog kung sunog.

4ish unti unti na kame dumadami, nagsipag ligo na rin ang mga bagong gising naming kasama.

Picture taking nung nag golden hour na. Dip again sa water until mawala na talaga ang araw. 6ish, ahon. Nag abang ng dinner (kakapal ng mukha, aabang lang talaga sa food. Pero super thank you kila King and his family sa napakasarap naming mga pagkain).

Look how clear the water naman.

Cotton candy sky

Dinner ay inihaw na liempo, inihaw na fish (ano nga ba yon?), soup, ensaladang mangga at may panghimagas uli na mangga at saging.

After dinner, wash up na kame sa poso. Saya! LOL then socials na. Thanks Jhen for the tequila and the bar! Sarap ng kropek! Umulan lang kaya natigil na rin kame, natulog karamihan siguro bandang 11pm.

 

Fell asleep siguro 12ish. Joyce, Sarah, Tin-Tin and I decided to sleep sa sand lang. Naglatag lang kame, pero si Sawah may sleeping bag. May malong naman ako. Wawa naman Tintin and Yoyce kase as in yun nilatag lang na ground sheet (ata yon) lang. Pero tabi tabi kame. Kala ko mauulit ang Anawangin moment na di na kame makakatulog ni Yoyce kase uulan ng malakas at walang matutulugan. In fairness, nakatulog kame. Naalipungatan lang ng 3am to pee. Tapos nakatulog na ulet sya, pero ako naman gising and si Sawah. Nakita na namin pagliwanag. May sunrise na at 4ish pa lang. Ang aga diba. Pumikit na lang ulet ako dahil di ko naman makukuha na camera ko para kunan. Nadilat na lang ako 5am na, bumangon sila Sarah and Roch. Ang liwanag na. Hahaha parang 6am. Got up 5:30, nag coffee na. Nag ayos ng bag, nag intay ng breakfast, nag muni muni.

Breakfast na hinain nila ay: longganisa (parang sa jabi), hotdogs, scrambled eggs, rice, tapa (na uber lambot at sarap). At iba ibang klase ng kape!! SARRRAPPPP!

Break camp after eating. We left for Maculabo Island ng 8ish. Pero group picture pa muna. Pagdating ng Maculabo, dip ng super slight, picture taking, and balik Paracale na kame. Para naman sa aming Bagasbas trip.

Maculabo Island

Had lunch at Surfers Inn in Bagasbas. Sila Yoyce, nagpunta sa market to buy pasalubongs, while kame nag shower na rin. 4pm, start na ng surfing nila. We waited lang sa Surfers Inn. And nag TI muna ako, and fries habang nakikipagkwentuhan sa Manalansan Family and Mic. 5ish, nagbalikan na sila. Sumunod kame nila Yoyce, Roch and Sawah sa Catherine’s to have dinner. Balita kase namin ay masarap ang mango shake.

We left Bagasbas few mins before 8. Tulog!!!! Dumating ng Manila 4ish. Thanks sa paghatid saken! Dyahe, 3 van pa kasama. Hehehehe

I had so much fun! Bengga ang kulay ko. Sulit na sulit ang summer na to! I’m glad that my last hurrah for summer ay RACE ang kasama ko.

Tito Roy, Tita Linda, King and family, Yoyce, Roch, Sarah, Jhen (and cousins), Thina, Terence (and friends), Packy, Tess, Homer, Mic maraming salamat sa experience na to!


Sally’s birthday in Bolinao!

Standard

Akala ko hindi na ako makakapag-Bolinao this year. Pero si Sally, don nya naisipan i-celebrate ang birthday nya. Gusto nya mag-celebrate with her family, and sinama ako. Najera na din ako eh!! Hihihihi sinabihan na nya ako isasama nya ako April pa lang. Pero mga ilang days na lang before her birthday, tsaka sya nag-decide sa Bolinao gawin.

Sa kanila ako natulog sabado pa lang ng gabi. Di ako nagpaalam kay Daddy kase mayayari na ako. Dahil last weekend lang, nag-Caramoan ako. Tapos this coming weekend, may Calaguas ulet ako. Kaya di ko na lang pinaalam. Pero nagpasabi ako kila Brenda na sabihin kay Daddy.

Aga ako inantok, milagro, naunahan ko pang matulog si Sally eh. Pag gising ko, nakipag kwentuhan muna ako kay Mader. And tinulungan ko sya ayusin yun food. Mag iihaw na raw sya, ako naglagay ng palaman sa sandwiches. Hahaha kala mo ang laking tulong.

Pag gising nila, syempre ready na rin lahat. Nakaalis kame 8 na rin yata. Nag lunch kame sa Isdaan Floating Restaurant. Nakaalis kame don mga 2 na rin yata. Nakarating kame ng Bolinao almost 5 na rin. Una naming sinilip yun Puerto Del Sol, nag-inquire kame and tinignan nila Sally yun room. Then, punta naman kaming dalawa sa Punta Riviera para mag-check. Kaso mas gusto ni Sally ang Puerto, mas sosi and may 50% off sila this summer. So go sa Puerto Del Sol, ma-experience man lang din.

Nag-check in kame, and hinatid na sa rooms namin. Not bad eh!

After mag-settle, nag change na kame ng swimsuit. Swimming na! Ang konti ng tao sa pool. We stayed there til 10 ata. Sayang si Gab, kase takot sa water. Tagal kase hindi nakapag-swimming nung bata.

Natulog na rin kame after mag shower. Gusto namin gumising ng maaga the next day eh. Pero before matulog, nanood pa kame ni Sally ng series.

Woke up the next day, siguro 6am na rin. Bihis, took pictures then ate breakfast. Sarap ng food din nila ah! After breakfast, went back sa pool. Swim na kame and nag jacuzzi. Later on, umalis sila mader, sinundo si Glen. Kame ni Sally, naglakad lakad, tambay saglit sa beach. At iinom sana sa resto. Kaso, maaga pa. Nag lunch na lang kame. Hahaha

Balik kame sa pool after eating. Umulan na eh, nakakainis. Gusto sana namin magpaaraw ni Sally. Aba, solo namin ang pool. Nag alisan na pala mga guests sa resort. Kame na lang yata natira. Hahahaha

Ganda ng sikat ng araw before kame matapos kumain

At eto sya after namin kumain

We had margarita while swimming. Bengga! Ang saya ng walang kahati sa pool. Kaya lang bandang 4:30 may mga nagdatingan na rin sa resort. Pati sa pool.

Mga bandang 8pm, nag-dinner na kame. 8 namin pina-serve yun food namin sa resto eh. Sarap naman ng dinner. Masarap ang food nung resort! Two thumbs up! Tapos kinantahan nila si Sal ng Happy Birthday at may birthday leche flan sya na may candle pa!

Di na rin kame nakapag inuman. Inantok na sila after dinner. Ang aga nagsipag tulog. Hahahaha

The next morning, last day namin. Nag-plan pumunta sa Patar, kase di pa nakakapunta si Sally don. Tsaka don may waves. Sa Puerto kase, super baba ng tubig, tapos as in tulog na tubig sya. Walang kaalon alon. Kaya lang since marami na rin kame, at si Glen di na raw sasama. Mas mag-eenjoy kase si Gab sa pool. And since nakapunta na rin ako don, sabi ko sila na lang. Ewan ko ba, baket di na nga ako sumama. Ahhh feeling ko kase kulang yun oras. Naisip na mag prep na lang ako ng maaga. Kaya lang di rin sila nag-stay ng matagal sa Patar. Sobra lakas daw ng alon, kaya bumalik din sila agad sa resort. Nag-breakfast kame sabay sabay. Sarap pa rin talaga ng food nila. Nag tocilog nako nung last day, pwede na mag-rice. Hahaha

We left arount lunch time na rin.

Kumain kame sa Alaminos na. Nag-McDo kame. Don na rin humiwalay si Glen samin, balik Baguio na sya. I had fun. Salamat Sally for tagging me along with your family. And Happy Birthday!!! ā™„

Caramoan Survivors

Standard
Ā 
Ā 

Second CamSur Trip for this year.

I left Manila Thurs night. I tried matulog sa byahe. Well, kahit papano nakaka-idlip ako kesa nung first time. Dumating ako ng Pili 6ish na. Sinalubong nako nila Chinee, Gee and Xtian.

Ate breakfast. Tapos nagpasama si Chinee sa Naga para sa mga gagawin nya. We ate lunch at Jollibee. Tapos kame na lang ni Christian bumalik ng bahay, sya may pinuntahan pa.

Pagbalik ng bahay, rest lang kame. Pagdating ni Chinee, gumawa na ng dinner. Waited kila Ning na makabalik from the mall. Tapos kinita namin sila ni Gee sa 7-Eleven para iluto na namin yun babaunin.Ā 

Nag-ready na ng mga dadalahin for Caramoan, nagkwentuhan kame slight ni Chinee. Nag-text kame ni Marco and 1ish, natulog nako.

Woke up 4ish.


We left Pili around 6amĀ 
with Chinee, Gee, Christian, Ning and Erick. Medyo mahirap lang sumakay ng papuntang San Jose. 1hour and 15 minutes later, nakarating kame ng San Jose. Rode a trike papuntang Sabang. Malas, wala pang boat at 9ish pa raw. Tambay mode and kumain na lang muna kame. Mga bandang 10am dumating na ang MV Harry V. 2hours din byahe going to Caramoan. We reached Guijalo port around 12:15. Sumakay ulet kame ng trike papuntang CMC. Oh meron din palang Environmental Fee.


Pagdating ngĀ CMC, aba in fairness na-surprise naman kame. Maganda rin yun place. And ok na yun pool nila. Nice naman the girl na kausap ko sa CMC. Sabi nya ready na raw ang room namin, kaya we went upstairs. And napa-wow na rin naman kame sa room namin. For 2400 a night, not bad na rin ang room. It has flat tv screen (HD daw, kaso uber labo lang :D), AC, bathroom, 3 beds. At maluwag sya.


Slight na freshen up ang ginawa namin. At pumunta na kame ng Paniman (na napaka lubak ng daan, and parang 40mins from CMC) kase andon sila Mang Ramil (boatman | 09074351962). We told them na di na kame mag Long trip kase kulang na kame sa oras. Sayang lang, kase open pa naman lahat ng islands. Break muna ang Survivor. Yun first island was ok naman, don na kame kumain ng lunch. Hindi ako nakigulo sa pictures kase medyo off mood ako dahil sa init. And sabi ko may mga susunod pang islands. So later nal ang. Yon pala, yon na ang may ok na sand mapupuntahan namin. Yun last 2 islands, wala na maapakan na sand. Tatalon ka na sa water. Meron yun isa may small cave. Pasok naman kame, di lang kame lumabas na sa kabila kase wala maapakan. And ang dami nang dumating nung andon kame, medyo naunahan nila kame maglakad sa cave. There are times pa na biglang ang lakas ng tubig.

Ā 

Natapos kame sa island hopping na bitin na bitin. Nawala naman sa mga isip namin na four islands lang pupuntahan. Sana nag-stay na lang kame ng matagal sa each island na pinuntahan. Nagpasundo kame kay Kuya Mar (guard ng CMC) sa Paniman. Na-flatan pa sya, so may time na nagtulak pa sila Gee and Erick. Kawawa naman. Pagdating ng CMC, we decided mag wash up muna before mag pool, kase nangangati na kame. And para makapag-dinner na rin.

After naman mag-shower, wala na kame maabutan food. Wala silang menu, buffet lang and 2 dishes na lang natitira. Kaya nagpunta kame sa bayan para kumain. Malas lang namin kahit 8ish pa lang wala na makainan. Kahit sasakyan paubos na rin. Buti na lang may nakita rin kame. We ordered sizzling sisig na good for 2 daw pero isang sizzling plate naman pala, adobong pusit and rice. Uber anghang the sizzling so sumubo ako ng mga 4 lang siguro. Di ko keri. Ang isa pang kainis, putek sa tagal ng service. At parang di makausap ng maayos mga staff nila. Bawat tanongĀ  namin, magtatanungan muna sila bago makasagot. Or minsan di ka papansinin. Nagsisipag init na mga ulo ng mga tao. Pagod ka na, gutom pa tapos ganon makakausap mo.

Anyhow, after eating, nawala si manong driver ng CMC. Ending, nag-side car kame. Ang hirap humanap ng public transpo sa kanila. When we got back sa CMC, nagkatamaran na mag-dip sa pool. And since almost 11pm na yon, nag decide na lang kame to call it a night. Maaga pa alis nila Ning and Erick eh.

The next day, nagising kame ng 6. Bumangon around 7, and bumaba kame to swim. Kaso ako, nag-coffee na lang. Sila Chin and Gee, noodles. Si Christian, nasa pool na. 8am, I went back sa room para mag shower na. Kailangan namin makaalis ng maaga para mahabol ang 10am na byahe ng bangka pabalik ng Sabang.

Two hours boat ride na naman, at ang init ah. Nag lunch kame sa may isang karinderia sa may terminal in Goa. Nakabalik kame ng Pili mga 2ish na rin. Pahinga saglit and ako, nag-pack na naman. I left Pili ng 7.

Thanks Gee sa paghatid sa terminal. Muntik pa yata akong di makauwi. Kase uber dami ng tao. Wala ako nakuha ticket sa RSL and Isarog. Good thing, may isang seat pa natitira sa DLTBCo. Pinakalikod nga lang. 8:45pm bus left Naga. I got home 5am.

Adventure nga ang trip na to. Masaya rin ang mag DIY ah. Nakatipid and nakakabilib sa sarili ang dating. Na makagawa ka ng ganyang trip.

I had fun kahit di 100% akong jolly person nyan. I guess, dahil pa rin kay Aunt Irma. I hope you guys had fun too!

Anyways, breakdown ng gastusin:
900 – Cubao to Pili (Isarog lines)
60 – Pili to San Jose (bus)
20 – San Jose to Sabang port (trike)
50 – lunch at karinderia
120 – boat ride from Sabang port to Guijalo port
10 – para sa pantawid sa bangka
10 – porter
30 – environmental fee
20 – Guijalo port to CMC (trike)
480 – accomodation (at CMC. 2400/night)
40 – CMC to Paniman (trike)
260 – island hopping (1300 sya para sa short trip/4 islands)
40 – Paniman to CMC (Trike)
100 – share for dinner40 – bayan to CMC (padyak)
20 – CMC to Guijalo port
10 – sa pantawid ulet from boat to shore
22 – Sabang to Goa (jeep)
100 – share sa lunch
60 – Goa to Pili
12 – Pili to Naga (bus)
900 – Pili to Mantrade (DLTB)

Nasa P3304 din pala gastos. Hehehe