CamNorte: Calaguas

Standard

0315-202012

Calaguas Island kame on our 2nd day. Woke up around 3ish, lef the house ng 5ish na. Late na sa bagal namin kumilos hahaha went to the van terminal in Naga at sumakay na ng pa-Daet. 2 hours ride din. OA sa zigzag yun daan, pero keribels coz nagsipagtulog lang kame.

Around 9, nakarating na kame ng Daet, sabi ng mga tao sa terminal mag via Vinzon daw kame. Though parang mas ok saken ang Paracale kase yon karamihan nababasa ko sa blogs. At since lahat sila don eh Vinzon ang sinabi, nag Vinzon kame. Mas malapit kase ang Vinzon sa Paracale. Pero from Paracale naman, 2 hours boat ride lang to Calaguas Island, 3 hours naman from Vinzon to Calaguas. From van terminal, nag-tricycle na lang kame to Vinzon. Panic me, kaya bumili pa kame ng 30pcs ng ice sa isang tindahan na tuwang tuwa naman ako. When we got to Vinzon, syempre ang daming lumapit at alukin kame sumakay. Si Kuya Mo ang nakausap namin, binibigay nya samin yun rent ng PHP5K, ang bigat. Nung naka-text ko si Mang Nelson, 3k lang binibigay nya samin (from Paracale naman sya). No choice, kinuha na namin. Pero syempre nakipag bargain pa si Sally. Pero hanggang 4250 lang ang pumayag si kuya. Sinamahan naman nya kame don, overnight. And roundtrip na yun 4250.

Three hours din yun byahe. Sunog lang naman yun right arm and right side ng batok ko. Nakarating kame ng Calaguas Island ng 1:30, uber inet na. Pero wow yun lugar. Nakakatakot ang alon (well, di naman kame natakot ni Tin). Poor Christian, kase umiiyak na sya sa takot. Pagdating namin don, nagkabit agad ng tent sila Chinee at yun mga kuya don, ginawan kame ng table sa loob ng 10minuto. Ang galing! Hahaha di ko nga lang din napuntahan yun suggestion ni Gaby na caretaker. And sayang, since kakilala nung bangkero yun caretaker sa Station 3 (ok, ginawa naming Boracay), don na kame nag-stay.

Nag-prepare na kame ng late lunch namin, sardines and scrambled eggs. Ang sarap! After eating, bihis ng slight at hinanap na namin sila Jhen and Otch. Ayun, nasa Station 2 sila, don kay tatang na mabaet. May maayos syang CR, mas tahimik don. Ang sipag pa ni tatang mag-igib ng water. Kawawa naman sya, mag isa lang sya sa bahay nya, and he’s 68. Tapos umaasa na lang sa mga tips ng mga nagpapa-igib or utos.

Syempre si Otch, di pwedeng walang inumin. Nagpabili kay tatang ng ice at the bar. Pinahiram pa kame ni tatang ng ice chest. Samantalang kame, bumili pa dahil di ko kaya ang walang mapaglalagyan ng ice. 😀 uminom kame, at pinakilala sila Chinee kila Otch and Jhen. Si Jhen, lasing daw sa kokonting ininom nya. Hahaha

Hindi na kame nakapag-dip sa water ni Sally. Nung padilim na, balik kame sa camp namin para gumawa ng dinner. Maling and scrambled eggs again. Mas madali kase pag scrambled eggs na lang hahaha after dinner, balik kame ni Sally kila Otch, naki-shower kila tatang. Uminom pa ako slight and kwentuhan lang. Si Sally ay kawawang nilalang. Sumama pakiramdam. 12mn, balik na kame ni Sal sa camp namin, iniwan na namin yun dalawa dahil maaga rin sila the next day.

Pag gising namin, nag-breakfast na sila Chin, Christian and Tin. Kame ni Sal, ready naman na para mag-dip sana. 😀 meron pa kaming 1 hour para mag picture and maligo. Kinulang pa rin sa oras, kaya pagbalik na alng ng Vinzon ang liguan. We left the island at 9. 2-1/2hours boat ride. Di na masyado scary yun waves, but man.. Tindi ng sikat ng araw, and from waist to toe, basang basa ako. Sunog na sunog na mukha ko. Sunog ang legs, arms and yun neck ko. Pero di kasing sunog nung right side ko.

Pagdating ng vinzon, naki-shower sa isang restroom don, humanap ng kainan sa may terminal. And may natarayan pa ako. Uy, nagtaray ako. May antipatikong mama eh. Di tuloy ako ginanahang kumain.

Ayun, another 2 hours ride to Naga. At super bagal naman ng bus from Naga to Pili. Rest lang pag-uwi.

We had a great time sa Calaguas. Ganda nung island, sana makabalik ako don. Pero mas maganda kung mas marami nang kasama. Ang hirap paghatian ng 3 tao ang isang boat ah. Hahaha

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s